Pagbabalik-Senado ni Cayetano, suportado ng mga atleta
Ngayong tatlong linggo na lang ang nalalabi bago ang halalan sa Mayo 9, ilang mga professional athletes ang nagpahayag ng pagsuporta para kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang muling pagtakbo bilang senador. Dahil ito anila sa mariin na pagsuporta ni Cayetano sa sports dito sa bansa.
Dumarami ang mga video na lumalabas sa social media, kasama na ang nanggaling sa mga Philippine Basketball Association (PBA) player na sina Arwind Santos, JC Intal, Jayjay Helterbrand, at Jay-R Reyes, na pinagpupugayan si Cayetano dahil anila “lagi niyang inuuna kaming mga atleta.”
“Doon tayo sa humahanap at gumagawa ng paraan,” ayon kay NLEX Road Warriors Guard Cyrus Baguio.
Para naman kay TnT Katropa Point Guard Jason Castro, “laging angat” ang mga atletang tulad niya kapag nasa Senado si Cayetano.
Nagpahayag din ng pagsuporta para sa kandidasiya ni Cayetano ang mga susing miyembro ng Philippine Volleyball Men’s and Women’s teams.
Magkasamang nagbigay ng mensahe ng suporta para sa dating House Speaker sina Men’s Team Captain John Vic De Guzman, Women’s Team Captain Aby Marano, at professional volleyball player Mika Reyes.
“Sa darating na eleksyon, piliin natin ang mga kandidatong may tunay na malasakit, may karanasan sa paglilingkod, at maka-Diyos,” anila.
Samantala, habang patuloy na lumalabas sa social media ang mga mensahe ng suporta mula sa mga atleta, nagpasalamat din si Cayetano sa mga nagsagawa ng bike caravan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa nakaraang dalawang buwan at nakinig sa kanyang panawagan para sa isang eco-friendly campaign na hindi gumagamit ng mga printed materials o nagsasagawa ng mga motorcade.
“Maraming salamat sa ating mga kababayan na patuloy na nagpapakita ng suporta para sa ating eco-friendly lead by example campaign. Kayo po ang nagpapatotoo na kaya natin ang ganitong klaseng kampanya,” ani Cayetano.
Ayon sa dating Speaker, natutulungan ng ganitong klaseng mga aktibidad ang kanyang kampanya upang makapag-focus sa seryosong isyu ng pagpoprotekta sa kalikasan, na lubhang mahalaga lalo na sa panahon ng eleksyon kung saan tone-toneladang printed material ang ibinabasura matapos ang campaign period.
Nagpasalamat din siya sa mga botante dahil patuloy pa rin siyang kabilang sa hanay ng most preferred candidates sa pagka-senador mula pa noong magsimula ang campaign period.
“I have always trusted the Filipino people. They’ve always known what is best for them, and if I’m part of the preferred group, that’s always welcome news,” ani Cayetano.
Bagamat hindi gumagamit ng printed materials at mga motorcade ang eco-friendly campaign ni Cayetano, nananatili pa rin siyang isa sa mga pinakaunang pinipili ng mga botante sa pagka-senador, at makailang beses nang pumupusisyon bilang #1 at #2 sa mga survey mula nang simula ang kampanya noong Pebrero.
Ayon sa dating Speaker, dapat magkapareho ang sinasabi ng mga kandidato sa publiko at ang mga ginagawa nila bago pa man sila mailuklok sa pwesto.
“You can lead in the surveys but if you remain silent on important issues, or if you reach the top while your campaign contributes to pollution, then something is wrong,” aniya.
Naging mariin ang naging pagtindig ng dating Speaker sa ilang mga isyu bago pa man magsimula ang kampanya. Nanawagan siya ng total ban sa e-sabong na aniya ay nagdadala lamang ng matinding kapahamakan sa lipunan, lalo na sa kabataan at mga overseas Filipino workers.
Nagsimula din siya ng eco-friendly campaign noong Pebrero at nanawagan sa kanyang mga taga-suporta na magtanim ng mga puno, mangrove at urban garden sa kani-kanilang mga lugar.
“This kind of campaign is not for everyone. It’s not easy, but since I’ve been in government for 30 years now, I want this campaign to be meaningful. And for me it’s meaningful if I really stand up for what I believe in,” aniya. ####