Pag-iwas at Pagtutol sa Marahas na Ekstremismo, tinalakay sa Baguio
Lungsod ng Baguio – Isang makabuluhang talakayan ang isinagawa ng mga kapatid natin sa Muslim noong Ika-24 ng Mayo sa Eurotel, Baguio City na pinangunahan ni National Commission on Muslim Filipinos – Secretary Saidamen B. Pangarungan at ng ilang matataas na may tungkulin sa gobyerno na sina Atty. Raihanah Sarah T. Macarimpas ang pinakabatang hinirang ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na Regional Director ng NCMF North Luzon; Engr. Khadaffy D. Tanggol – Regional Director, DPWH-CAR, Baguio City Congressman Marquez Go at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Sa mga Resource Speaker naman na sina BCPO PLtCol. Maximo C. Sumeg-ang Jr. ang naglahad ng paksa kaugnay sa Understanding Violent Extremism at ang mga programang ginagawa ng mga kapulisan dito sa lungsod na ang pinakamalaking solusyon ay ang trust na kung paano maibalik ang tiwala ng community sa ating kapulisan at tiwala rin ng kapulisan sa taong bayan kaya ang pinakamainam na dapat mangyari ay may magandang communication o discussion na isinasagawa, wala naman dapat ikatakot kung nariyan sila na dumadalaw sa ating community dahil tungkulin nila na protektahan ang ating safety at security ng ating mamamayan, ang paksang ipinahayag naman ni Pros. Conrado Catral Jr. – OIC Office of the City Prosecutor ay ang Salient Provisions of Anti-Terror Law, Tinalakay rin ang paksa ni Araceli San Jose – DILG-CAR, ang tungkol sa Government Efforts kaugnay sa Preventing and Encountering Violent Extremism, nagbigay rin ng pahayag si Ustadh Mohammad Ugaringan – DIB Representative kaugnay sa Efforts of Islamic Institution ng PCVE, sa paksa naman na ibinahagi ni CHR-CAR Atty. Romel P. Daguimol ay ang Human Rights in Efforts to PCVE, at ang paksang ibinahagi rin ni BPCR NCMF Director Cosanie M. Derogongan ay ang pagkakasundo ng government efforts at ng Islamic Institutions efforts.
At ang gumanap na Master of Ceremony sa programa ay si Mr. Abdul Hakim Lomondot, at nagpakilala ng mga tagapagsalita ay si Engr. Aslanie Muripaga.
Naunang nagbigay ng pambungad na pahayag si NCMF North Luzon Macarimpas, na itinuon niya ng pansin kaugnay sa tema ngayon taon ang Bridging the Roles of the government and Islamic Institution in Countering Violent Extremism.
Sinabi ni Macarimpas, “Ang office namin sa National Commission on Muslim Filipino ay isa sa mandato namin na mapanatili ang kapayapaan, lalo na sa mga lugar ng aming Muslim communities, dahil minsan may mga pagkakataon na kaguluhan sa mga kababayan namin na Muslim sa kanilang lugar ay ito ang iniiwasan namin huwag mangyari, kaya ganito gumawa kami ng mga programa upang magbigay ng awareness na ang aming opisina at ang ating gobyerno at ang ibang pribadong institusyon tulad ng Islamic at Educational Institution ay magtulungan tayo na sumusumpa na huwag mangyari ang anumang kaguluhan sa ating bayan, gusto natin mamuhay ng mapayapa at maghanap-buhay, isa rin sa programa namin ay maturuan ang mga youth ng capacity building, leadership skill, at isa sa mga paraan upang masugpo ang terorismo o extremism ay mai-educate natin ang mga kabataan. Ang programa na ito ay taun-taon namin isinasagawa, ito ay mino-modify namin katulad noong last year ay more on forum, exchange of dialogue pero ngayon ay more on awareness kung ano ang efforts ng ating mga stakeholders sa government, private at educational institution kung ano naman ang magagawa nila upang masugpo itong terrorism o extremism sa susunod na taon ay imo- modify naman namin base kung ano ang naging resulta ng ating programa ngayon.
Masayang nagbigay ng inspirational message si Congressman Go na isang chairperson ng Committee on Higher and Technical Education, inilahad ang kanyang mga programa kaugnay sa TESDA scholarship.
“Ang pagpapa-aral na libre ng “Doctor Para sa Bayan” na dito ay ini encourage ko ang mga kapatid na Muslim na para sa mga kabataan, dahil isa sa mga solusyon di umano ng terorismo ay kailangan ma-educate natin ang mga youth upang maiwasan at mailayo sila sa violent extremism malaking katulungan para mga kapatid na Muslim dito sa Baguio na maibahagi ko ang programang ito dahil nakikita natin ang kahalagahan ng mga kabataan ngayon na dapat pagsikapan na pagtulungan natin mapag-aral sila,” ani Go.
Nagbahagi rin ng pahayag si Mayor Magalong tungkol sa kanyang mga naging karanasan sa gitna ng sagupaan ng terorismo laban sa gobyerno.
“During my thought with Army Soldier and Special Action Force personnel of PNP at the height of fight in Marawi, nagulat ako ng may nagkwento sa akin na pati mga bata every time they meet with communities and talked a young boy na binabanggit nila ay idol raw nila ang mga terorista, we cannot blame them but it is something surprising, siguro may nakita sila isang bagay kaya ina idolized nila itong mga terorista and probably because of the issue of discrimination na nakikita nila bakit parang hirap na hirap sila umasenso itong mga kapatid natin Muslim, so we have to open our eyes, I would like to go back to the words of Congressman Go, that he said that there is a need for us to really look and focus on our educational system, because even UNESCO that one of the best way in preventing extremism is to start with early in school, yun tinatawag natin promotion of dignity, promotion of equal right and the rule of law na dapat yan unti-unti natin itinuturo sa eskwelahan,”
“In behalf the officialdom of Baguio City, I assure you that will give of all-out support initiative to prevent encounter violent extremism, very lucky na dito sa siyudad ng Baguio we don’t have, and I’m really glad that during my thought with Intelligence Community of Arm Forces of the Philippines and Intel, sila mismo nagsabi sa akin they or not enough piece of evident to say na yun mga ibang lugar natin dito especially nabanggit ko na yan sa ating mga leaders na Muslim community some of our school na pinagdududahan ay talagang wala naman ebidensiya, kaya hinihingan ko sila ng certificate, sagot nila ay will take some time will provide the certificate stating therein Absolutely Nothing is happening in those School.
“Our police forces entire organization with work with them reaching our collective goal of safe environment, I will again pursue in that effort to secure a certificate absolutely stating therein that all our Muslim school are cleared of any allegation that they are teaching certain subjects that promotes terrorism, I personally do not believe that,”
“Nag usap na kami Col. Allen Co, kinumusta ko ang porsyento ng involvement ng Muslim Community sa krimen and surprising me na wala pang 1 percent. Just proving that our Muslim community that are present here today are really Peace Loving People and you’re just here will do their love because they know that city of Baguio we are safe just like us looking for a place na alam natin kasama ang ating mga anak, dapat isipin natin lagi na mapunta tayo sa isang lugar na tahimik at protektado ang ating mga anak,” pagtatapos ni Magalong.
Sa pahayag ni Sec. Pangarungan, “Ang Baguio ay isa sa mga cities na may more than 10,000 Muslim residence, kaya kami sa National Commission Muslim Filipinos which under Republic Act 1997 is the premier that will agency task to attend to the well-being of all Muslim Filipinos in the Philippines. We have been monitoring especially on Muslim community outside Baguio, at nasabi ko kay Director Macarimpas sa ating mga programa, I would like that bago mag-end ang term natin under Duterte Administration, I will have the opportunity to lead the mayor Benjamin Magalong for the purpose of expressing my personal thanks and gratitude for treating very well the Muslim community in Baguio and also Congressman Mark Go yun ang feedback namin na nakita namin sa social media sa magandang pagtrato nito sa Muslim community dito sa Baguio very well,”
“Siguro ang Baguio ay choice ng mga Maranao Muslims kasi ang Baguio ay parang Marawi City ang elevation ng Marawi is more than 2,000 ft above sea level kaya malamig just like Baguio, kaya ang Marawi ay tinatawag na the “Baguio of the South” pareho ang klima natin, kaya ang napunta rito sa Baguio ay mostly Maranao’s na may 93% at Maranao’s from Marawi and the province of Lanao del Sur,”
“Lanao del Sur is the Mountain Province in Mindanao,”
“Siguro yun ang dahilan kung bakit ang mga Maranao’s ay napili nila ang Baguio as their second home, kaya nananawagan ako sa lahat ng mga kababayan ko dito sa Baguio, to feel your fullest and wholehearted support to the local government unit in Baguio under the leadership of mayor Benjamin Magalong,” ani Pangarungan.
Labis na nagpasalamat si Executive Director NCMF Tahir S. Lidasan Jr. CESO II sa mga nagbigay ng kanilang inspirasyon at pahayag na makakatulong para higit lalo na mapabuti at magkaroon ng kaalaman ang bawat isang panig sa mamamayan ng Muslim, mga kapulisan, sa gobyerno at mga pribadong institusyon bilang pangwakas na pahayag. Mario Oclaman /FNS