Pag-Ibig Fund EXPO-BAHAY 2023 “Sa next mong Lipat, Sariling Bahay mo na Dapat,”
BAGUIO CITY – (March 30, 2023) – Pinangunahan ni PIA-CAR Regional Director Helen Tibaldo kasama rin bilang co-host si Ms. Kaye ng Marketing Officer ng Pag-Ibig para sa talakayan ng Kapihan sa SM City Baguio na kung saan ay magbigay ng dagdag kaalaman kaugnay sa programa ng Pag-Ibig Fund EXPO-BAHAY 2023.
Sinabi ni Philip Raymund S. Salem – COD- Marketing & Sales Baguio Branch, “Nais namin ipaalam sa inyo na inumpisahan namin ang 2023 Baguio Branch Expo-Bahay upang mas lalo namin mailapit sa aming mahal na miyembro ang aming iba’t-ibang programa sa bahay, bukod sa programa ng pa bahay ay dala rin namin ngayon dito sa SM Baguio ang lahat ng serbisyo ng Pag-Ibig fund kasama na rito ang membership registration, verification of membership records at pag isyu ng loyalty card asahan po niyo na hanggang Sabado (April 1, 2023) pa tayo dito sa SM Baguio,”
“Pinapurihan ng ating Pangulong Bongbong Marcos ang Pag-Ibig Fund sa maayos magandang pagpapatakbo ng pondo ng may ari ng Pag-Ibig ang mga miyembro. In 2022 nadeklara ang dibedendo para sa atin mga ipon sa Pag-Ibig, dalawa ang ipon natin sa Pag-Ibig meron tayo tinatawag na regular savings o yun Pag-Ibig 1at yun isa ay yung modify Pag-Ibig fund 2, so, yun naunang regular savings ang nadeklarang dibedendo for the year 2022 ay sa rate na 6.53% per annum so, ibig sabiin nito kada isangdaang piso na ipon natin sa Pag-Ibig ay kumita ng P6.53 na tax free so malaki ito at para naman sa modify Pag-Ibig Fund 2 ang kinita ng Pag-ibig fund for the year 2022 ay 7.03% or every one hundred pesos kumita ng P7.03.
“Ang regular savings ito yun nasa batas ng Pag-Ibig na sinasabi na lahat ng manggagawa yun regular savings na ang lahat ng manggagagawang Filipino na may sahod na hindi bababa sa isang libo kada buwan ay kailangan mag ipon sa Pag-Ibig so, mandatory ang regular savings Filipino workers here and abroad, samantala yun Modify Pag-Ibig Fund 2 eto ay Special Savings Program ng Pag-Ibig para sa lahat ng miyembro at lahat ng retirado miyembro ng Pag-Ibig na kung saan sila ay maaaring kumita ng dibedendo ng mas mataas na ang kalahating porsiyento kumpara dun sa regular savings at ito ay pag iipon lamang sa mas maiksing panahon ng 5 taon,”
Ipinakita at ipinaliwanag ni Salem ang kahalagahan ng Loyalty Card kung paano gamitin at ano ang mga benefits nito.
“Ang loyalty card unang una is now to disbursement card of Pag-Ibig Fund nationwide, ibig sabihin disbursement card all benefits loans, claims yun withdrawal of savings diyan nan ire release ng Pag-Ibig through the loyalty card, ang loyalty card natin ay may bank account, ATM card na rin yan at higit pa diyan ay may financial functionality ATM at Debit card na rin ito at may discount reward rin ito 371 partners merchants nationwide makikita niyo sa website kung sino ang mga partners namin makakakuha kayo ng discount pag pinakita niyo ang loyalty card,”
Ayon naman kay Ferdinand M. Jacildone, COD-Loans Origination Division,”Mayron tayong 6 easy step para tayo makapag avail ng housing loan, Step 1 Complete the requirements to apply for a Pag-Ibig Housing Loan, Step 2. Submit your Pag-Ibig Housing Loan Application, Step 3. Receive your Notice of Approval (NOA) and Letter of Guaranty (LOG), Step 4. Complete the requirements stated in your notice of approval, Step 5. Receive your Pag-Ibig Housing Loan Proceeds, and Step 6. Start paying your Pag-Ibig Housing Loan.
Ayon kay Josephine M. Jacinto, COD – Loans Management Recovery Division, “We are from La Union at dala namin ang mga acquired assets namin for sale sa lahat ng mga gustong bumili hindi lang sa Baguio City kundi sa buong Pilipinas, Luzon Visayas at Mindanao makikita natin yan sa website natin, ang acquired assets ay ito yun mga properties natin na kung hindi sa kagustuhan na foreclose ng isang member natin ngayon kapag na foreclose siya ay ililipat natin sa pangalan ng Pag-Ibig, para maibenta natin hindi lamang foreclose na nariyan lang so, para maibenta rin natin sa mga miyembro natin, yun ang tinatawag natin na acquired asset, pag binenta nagbe base tayo sa appraise value of the property which is not more than two years dapat naka apparise from date of disposal at may discount rin sa retail kapag ito ay cash you are entitle to a 30% discount kapag short term installment or One year to pay you are entitle to 20% discount pero kung long term installment yun ang I through housing mo kay sir Ferdie 10% discount.
Inaanyayahan ang mamamayan ng Baguio sa mga gustong magpa miyembro ng Pag-Ibig ay pumunta lamang dito sa SM City Baguio to join our Pag-Ibig Fund EXPO –BAHAY 2023. Starting today March 30 until April 1, 2023.
Puwede kayo mag apply para mag miyembro, pwede rin mag file ng loan application, pwede rin mag avail ng Loyalty Card at higit sa lahat pwede kayo mag apply ng housing loan.
Iginawad ang Plaque of Appreciation kay SM City Baguio Mall Manager Rona Correa bilang suporta ng SM City Baguio para sa tagumpay ng Pag-Ibig Fund EXPO-BAHAY 2023 program na ginanap sa Level 2 Sunset Terraces, SM City Baguio, Huwebes ng umaga, (March 30, 2023) Photos by: Mario Oclaman //FNS