Pag gunita sa ika-128 anibersaryo ng kabayanihan ni Rizal

Isinagawa ang pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal na kung saan ay nakatuon sa pagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na maging aktibong tagapag-ambag sa pagbuo ng bansa ngayon ika-30 ng Disyembre sa dambana ni Rizal.
Ang tema ng taong ito, “Rizal sa Bagong Pilipinas: Buhay at Aral Aming Nilalandas,” ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng mga mithiin ni Rizal, tulad ng pagmamahal sa bayan, pagiging hindi makasarili, at katapangan.
Ang bawat talumpati at mga mensahe ng mga kagalang galang na sina Mayor Benjamin B. Magalong at Soledad Go na kumatawan kay Congressman Mark Go ganun rin ang panauhing tagapagsalita na si Vice Admiral Caesar Bernard N. Valencia , Superintendent, Philippine Military Academy na magalang na ipinakilala ni Bise Alkalde Faustino A. Olowan ay nagpahayag ng nag uugnay patungkol sa mga nagawa ni Rizal.
Ang temang ito ay nagsisilbing paalala ng walang hanggang epekto ni Rizal sa Kasaysayan ng Pilipinas at ang kanyang patuloy na kaugnayan sa mga susunod na henerasyon ng bansa.
Para sa mga kabataan, ang tema ay naghahatid ng ilang mahahalagang mensahe
Naniniwala si Rizal sa kapangyarihan ng edukasyon na baguhin ang lipunan. Hinihikayat ang kabataan na pahalagahan ang kaalaman at kritikal na pag-iisip.
Ang paglikha ng mga ligtas na kapaligiran kung saan ang mga kabataan ay maaaring lumago at umunlad nang walang mga panganib o negatibong impluwensya ay napakahalaga
Responsableng Pagkamamamayan ang mga pamilya at komunidad ay dapat magbigay ng mapagmahal sa tahanan at gabay upang mapangalagaan ang responsableng pagkamamamayan sa mga kabataan.
Pagkakaisa at Katatagan ang pamana ni Rizal ay nagpapaalala sa mga kabataan na magsikap para sa pagkakaisa, katatagan, at pag-asa sa pagharap sa mga hamon.
Patriotismo at Paglilingkod Hinihimok ang mga lingkod-bayan na tularan ang mga kabutihan ni Rizal, na inuuna ang paglilingkod at pagkamakabayan kaysa pansariling interes.
Saksi ang ilang konsehal na nakinig na sina Vladimir Cayabas, Elmer Datuin, Betty Lourdes Tabanda, Arthur Alad-iw, Mylene Yaranon, at Benny Bomogao.
Kasama rin ang Punong Barangay ng Rizal Monument na si Armando Miranda at ang kanyang barangay officials.
City Tourism Officer Alec Mapalo,BCPO City Director PCOL Ruel Tagel at BCPO Personnel
Pinuno ng Kapatiran Rizal ng Baguio na si Mr. Fernando Fontanilla at Baguio Masonic Lodge 67 Leonardo Jun Buenavidez. # Mga litratong kuha ni Mario Oclaman //FNS