P84 milyon pondo para sa Flood Control sa La Trinidad, sisimulan ngayon May, 2021 – YAP
La Trinidad, Benguet – (April 9, 2021) – Matapos nakumpleto ang ginawang pag home quarantine ni Benguet Congressman Eric G. Yap ay trabaho agad ang nasa isip nito upang pabilisin na bigyan agad ng solusyon ang sitwasyon ng Strawberry Farm na kung saan ay madalas itong bahain tuwing may mga malakas na pag-ulan.
Sa pakikipagtulungan ng Benguet State University (BSU), Department of Public Works and Highways (DPWH-CAR) at sa butihin Congressman Yap ay may ginawa ng pag-aaral upang masolusyunan ang flood control o ang pagbaha sa Strawberry Farm, para maiwasan ang pagbaha at matulungan ang mga farmers at higit sa lahat ay upang mapalakas ang turismo na isang paraan para tangkilikin ang mga sariwang gulay na pananim, matatamis na strawberry at ang mga produktong gawa ng ating mga kababayan.
P84 milyon ang nakalaan ngayon na pondo para sa Bolo Creek upang maayos ang flood control na sisimulan na ngayon buwan ng Mayo, 2021.
Ayon pa kay Yap, “Kailangan natin tapusin ang mga flood control problem dito sa La Trinidad ngayon na mismo buwan ng Mayo, upang masiguro natin na ligtas at tuloy-tuloy ang paghahanap buhay ng mga mahal kong kababayan diyan sa Strawberry Farm at magpapatuloy itong paglalaan ko ng pondo para sa flood control sa susunod na taong 2022, inihahanda ko na mapondohan para sa flood control sa buong bayan ng La Trinidad,”
“Maglalaan rin ako ng mga pang abono at mga kagamitan ng mga magsasaka sa pagtatanim na ito ay idinulog ko na sa Department of Agriculture,”
“Kaya dapat natin tapusin ang problema sa flood control dahil nag-aalala ako sa magiging sitwasyon ng mga kababayan kong magsasaka kung masisira ang kanilang mga pananim, kawawa ang mga farmers natin, lalo nat wala pa silang mga insurance,” pagtatapos ni Yap. Mario Oclaman /FNS