P600 milyon grant para sa rehabilitasyon ng Burnham Park matutuloy na – Magalong
Baguio City – Siniguro ni Mayor Benjamin Magalong na ang planong rehabilitasyon ng Burnham Park ay malaki ang pag-asa matuloy sa pagpasok ng bagong administrasyon at para na rin sa pagpapabuti nito na bahagi di umano ng Baguio City Tourist Resiliency Project na kinabibilangan din ng rehabilitasyon ng sewerage treatment plant ng city upang matugunan ang polusyon ng mga ilog sa lungsod.
Sinabi ni Magalong, “ang tourism project at sewerage rehabilitation malaki ang problema natin dito sa premier tourist destination, we don’t even know how to clean our rivers, problema natin ay malaki ang rivers natin, admittedly two of our rivers are classified as most polluted in 2019, yun Bued naibaba na natin yan from trillion to billion yun Balili from quadrillion 2019 is now trillion still hundred several times dirtier than Pasig river so, kailangan talaga natin yun rehabilitation na yan connected yan sa tourism kaya nga ang pagpopondo sa atin for our sewerage project is ADB pero ang implementing agency is DOT through TIEZA so, that is P60 milyon approved na yun loan natin kaya lang it has to go through NEDA.
“Hopefully, pini-prepare na nila COO Mark Lapid yun all documents justification para pag dating na ng bagong administration ma tackle na ito, kasama rin dito yun rehabilitation ng Burnham Park, hindi natin ilo-loan yan, grant yan from the Department of Tourism .
“Ang sabi sa akin we are going to give back the P400 milyon ilo-loan ng TIEZA yan sa ADB plus additional na P200 milyon bale P600 milyon lahat, loan ng TIEZA pero it will be given to us as a grant .
“If you remember 2019, binigyan tayo nun P400 milyon it was grant totally rehab in Burnham Park, unfortunately, nasa atin na yun pera technically tapos na yun pirmahan namin ng COA kaya lang nagkataon na tinamaan tayo ng pandemic, binawi pero this time P400 plus additional P200 to make it P600 para lahat ng areas ng Burnham Park, including Ibaloy Park, Pine Trees of the World, Skating rink mas ma-enhance pa ito, ma expand rin natin ang Children’s Park at kasama rin sa rehabilitation yun Orchidarium,” pagtatapos ni Mayor Magalong. Mario D. Oclaman / FNS