Outreach Program brings joy to 67 kindergartens in Dominican-Mirador Elementary School.
BAGUIO CITY – Naging matagumpay ang isinagawang outreach program ng Filipino News Sentinel bilang bahagi ng ika-3 anibersaryo nito noong Disyembre 8, 2023.
Sa pakikipag-ugnay ng FNS kay D-MES School Head Zenaida L. Kunayon ay nabigyan kami ng pagkakataon para isagawa ang outreach program na para sa 67 kindergarten ng Dominican-Mirador Elementary School noong Disyembre 13, 2023.
Gayunpaman, naisakatuparan lamang ito sa maikling panahon dahil may limang paaralan ang pinagpipilian sa mga malalayong lugar na pampublikong paaralan na hindi pa nararating ng ilang pribadong asosasyon at organisasyon. Napag-alaman namin na ang paaralang ito ay hindi pa nakakaranas ng anumang aktibidad para sa mga grade school ayon kay School Head Kunayon.
Sinabi ni School Head Kunayon, “Na overwhelmed kami sa tulong niyo, actually ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong activity outreach program para sa mga kindergarten, nagpa gift-giving kayo at pinakain niyo pa sila malaking tulong sa kanila yun, dahil maraming mga indigent na mga bata dito sa Dominican-Mirador maliban dun napasaya niyo pa yun mga bata, isa pa ang impact nito ay yun kinabukasan nila, malaki ang tulong nun sa kinabukasan nila dahil binigyan niyo sila ng school supplies maitatatak yun sa kanilang mga puso at isipan at mapapaganda ang kanilang kinabukasan, yun ang impact na ginagawa natin para sa mga bata,’
“Nakikita ko rin na ang mga kindergarten teachers ay magagaling sila magturo dedicated sila at talagang natututukan yun mga kindergarten natin at may natututunan sila yun letter sounds, pagbabasa at yun behavior nila kaya pagdating nila sa Grade 1 ready na sila, inaasahan natin sa susunod na pasukan dahil sa nakikita ng community ng mga parents ang effort ng parents ng barangay, teachers at mga partners namin na katulad niyo. “We would like to express our deepest gratitude to Filipino News Sentinel kasi kung wala po kayo at ang inyong mga partners ay hindi mapapasaya ang mga bata dahil first time lang po talaga nangyari sa amin ito kaya masayang masaya kami lahat ng teacher at very thankful kami sa inyo,” pagtatapos ni School Head Kunayon.
Nagpahayag rin ng mensahe para sa suporta at pasasalamat ang panauhin na si D-M Punong Barangay Carol B. Domogan.
Humingi ng paumanhin si Rafael Resuello – Administrative Assistant Office of Vice-Mayor sa hindi pagdalo ni vice-mayor Faustino Olowan bilang panauhing pandangal dahil sa isang mahalagang kaganapan.
Sa tulong ng aming mga ipinagmamalaking partners at sponsors ay napakalaking pasasalamat una sa Panginoong Diyos dahil batid namin na kayo ang ginamit ng Poong Maykapal para mailapit natin maiparating at ipadama sa mga bata ang ating paglingap at pagmamahal, makasama sila kahit sa maikling oras lamang ay nakita nila kung gaano natin sila nabigyan ng kahalagahan.
Bakas sa mukha ng mga bata ang kanilang kasiyahan habang nalilibang sila sa mga palaro na ibinahagi ng mga isponsor.
Lalong napuno ng kagalakan ang mga bata ng maipamahagi na ang mga munting regalo ng mga isponsor tulad ng mga school supplies, vitamins, laruan, at mga masustansiyang pagkain.
Lubos kami nagpapasalamat sa aming mga isponsor at partners na kusang nagkaloob ng kanilang mga handog.
We sincerely thank our partners and sponsors from DOH-CAR, PRO-Cordillera, Baguio City Police Office, BENECO, SM City Baguio, Rotary Club of Baguio Highlands, Geodetic Engineer of the Philippines, Mang Inasal, AVILON Wildlife, SN /ABOITIZ, Municipality of La Trinidad, Baguio City Representative Mark Go, Benguet Congressman Eric Go Yap and Baguio City First Lady Arlene Saneo Magalong. Photo by: Jennifer Cuyajon with Princess Aprille Ramos // FNS