Nakumpiskang  34 vapes sa SLU High School campus, nai-turnover sa POSD officer

Nakumpiskang  34 vapes sa SLU High School campus, nai-turnover sa POSD officer

Baguio City – Habang inihahanda ang ceremonial destruction and disposal of cigarettes and vapes noong August 8 sa Malcolm Square ay personal na isinuko ni Doktora Jeanette Pinay ang 34 vapes na kung saan ay nakumpiska sa mga estudyante ng Saint Louis High School Department.

Sinabi ni Doktora Pinay, “Ang mga vapes na ito ay two years ng nakatabi kaya ng mabalitaan namin na magkakaroon ng ganitong destruction ng vapes at cigarettes ay ipinunta namin dito bilang sa pagsunod rin namin sa kampanya ng city.

“Ang nakakahuli sa mga estudyante na gumagamit ng vapes ay ang mga guard na madalas mahuli sila ng akto sa comfort room.

“May isinasagawa kaming orientation sa mga estudyante ang anti-smoking, pero ang policy ay hindi pa nai implement kasi usually nanggagaling sa main ang mga policies but the campaign is through posters and lectures na malaking bagay naman ang naitulong nito dahil nakita namin na wala na kami nahuhulihan gumagamit ng vapes at nagsisigarilyo sa loob ng campus patuloy pa rin ang pag orient namin sa mga estudyante,” ani Doktora Pinay ### Mario Oclaman //FNS  

Mario Oclaman