MY MANOK’S Litson Manok, Two Thumbs-up sa sarap…
Isa na naman pakikipagsapalaran sa pagne-negosyo ang nagtulak kay Malou Sambrana isang masipag at simpleng negosyante na Presidente rin ng Market to Home Association Baguio, ito ay para patunayan na hindi hadlang ang pandemniya sa kahirapan ng buhay, pinakita niya na kahit anong hamon o pagsubok sa buhay ang dumating ay magagawa natin pagtagumpayan ito na may matibay na pananalig sa Panginoong Diyos.
Lakas ng loob at tiwala sa sarili ang naging puhunan niya lakip nito ay lagi niyang iniuugnay na maging kalooban ito ng Diyos.
Sa umaga pa lang bago magbukas ng kanyang puwesto ay inuuna na niya ang taimtim na panalangin sa Panginoon, ang magpasalamat sa mga biyaya na kanyang natatanggap, lakas at malusog na pangangatawan, sa patuloy na pag-iingat na nailalayo sa anuman kapahamakan sampo ng kanyang mga mahal sa buhay , paghingi ng kapatawaran sa mga nagawang pagkakamali at pagsisisi sa mga kasalanan ay isa rin itong kailangan natin ipinapanalangin sa Panginoon.
Ang pinakamahalaga na dapat gawin bago magsimula o magplano ng anumang negosyo ay may kanya-kanya tayong sekreto para sa ating tagumpay.
Ibabahagi ko sa inyo ang sekreto para maging tagumpay ay kailangan lagi tayong meron nito ang pagtatanong sa sarili o ASKED.
A – Attitude, S – Strategy, K – Knowledge, E – Eagerness at D – Dedication.
Ayon kay Malou, “Nakasalalay dito na kailangan lagi mo tingnan ang Attitude mo sa paghawak ng tao, pakikipagtalastasan sa kapwa mo at kliyente, dahil ang pag-uugali ang unang nakikita ng tao.
Strategy isang sangkap rin ito na kailangan gamitin sa negosyo ang istratehiya na kailangan maging ma diskarte sa negosyo ang paraan kung saan nagtatakda ang isang organisasyon upang makamit ang nais nitong layunin na magkaroon ng pang matagalan na negosyo.
Tungkol naman sa Knowledge ito ay isang kabuuan ng mga kasanayan, karanasan, kakayahan at pananaw na maging dalubhasa sa bawat kilos na araw-araw na iyong gawain.
Ang Eagerness naman ay kailangan mo ipakita ang iyong kasabikan sa pagne negosyo, maging updated lagi, huwag huminto sa pagbuo ng iyong mga kasanayan, labanan ang mga hamon at huwag basta sumuko kahit na anuman pagsubok ang dumating.
Dedication naman ay anuman ang gawin mo, gawin mo ito ng buong puso, tulad ng pagtatrabaho para sa Panginoon, yamang alam mong makakatanggap ka ng mana mula sa Panginoon bilang gantimpala,”
Sa gitna ng krisis na ating kinakaharap ngayon sanhi ng patuloy na pananalasa ng Covid-19 pandemiya ay tagumpay na nakapag-umpisa sa kanyang negosyo ang may My Manok’s Litson Manok ni Malou noong Marso 25, 2021 kasama niya rito ang Farmer’s Basket Resto na pag-aari ni Arlene Cipriano, simpleng magkasama sa paghahanap-buhay na hangad rin makapaglingkod sa mga kostumer at makatulong sa kapwa na walang trabaho.
Lingid sa ating kaalaman ay may sekretong formula ang kanyang panimpla sa Litson Manok na may tatlong flavor, ito ang Chili spicy, Garlic at ang Original Litson Manok, mapapa Wow! ka talaga sa sarap, for dine-in or take out order ay magsadya lang sa My Manok’s Litson Manok sa Lourdes Grotto along Commercial Building ng Farmer’s Basket Resto o tumawag sa mga numero (GLOBE) 0917-853-0466 , 0998-864-9268 & 0920-960-5213 Tel. No. (074)442-6647 FNS / Mario Oclaman