Music Class para sa kabataan, pinangunahan ng kapulisan ng 1st Mt. Province PMFC
Sa lengwahe ng musika ay nagkaisa ang mga kapulisan ng 1st Mt Province PMFC, Sangguniang Kabataan ng Sagada at ang Simbahan ng St. Simon Peter, Demang Church sa pag-oorganisa ng “Music Class”
Sa nasabing “Music Class”, ang mga kapulisan sa pangunguna ni PSMS James B. Yodong at Father Thomas Pal-pal ay nagbabahagi ng kanilang talent at nagsisilbing tagapagturo sa labing-siyam na Junior Highschool students na gustong-gusto matuto ng gitara, piano at drums.
Samantala, ang mga SK members naman ang bahala sa paghahanda ng meryenda para sa mga studyante matapos ang dalawang oras na music class.
Bukod sa pagtuturo ng musical instrument, ang nasabing programa na mula sa initiatibo ng SK ng Sagada katuwang ang kapulisan at simbahan ay inorganisa para magabayan ang mga kabataan sa tamang landas sa pamamagitan ng musika.
Tuwing Sabado at Linggo, ang nasabing “music class” ay ginaganap sa Barangay hall ng Patay at St. Simon Peter, Demang Church. (PROCOR-PIO / File Photos)