Mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (Paglulunsad ng Ortograpiyang Boînën)
Ginanap noong 18 Abril 2024 ang Paglolonsar nyana Ortograpiyang Boînën (Paglulunsad ng Ortograpiyang Boînën) sa Buhi North Central School. Dinaluhan ito ni Michael Angelo Lacoste, kinatawan ni Kgg. Rey P. Lacoste na Mayor ng Buhi, ni Kgg. Letica D. Moralde, Tagapangulo ng Komite sa Edukasyon ng Sangguniang Pambayan, at ng iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Buhi, mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon, mga gurong taga-Buhi, kinatawan mula sa iba-ibang sektor ng Buhi, ng Translators Association of the Philippines, Inc. (TAP), at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Binuo ang Ortograpiyang Boînën ng Boînën Orthograpy Writers (BOW) sa gabay ng mga mananaliksik ng KWF at TAP. Ito ang pangalawang ortograpiyang inilimbag ng KWF para sa mga wika ng Rehiyong Bicol. (PR)