Moryonan tampok sa Tertulia at Sining. “Hindi Basta Binabasa ang Tula”
Sa darating na Hunyo 15, Sabado ng alas dos sa hapon ay magkakaroon ng Tertulia at Sining sa Manila Clock Tower Clock Tower Museum kasama ang mga batikan at premyadong makata at magtatanghal kasama si Danny Ledesma Mandia tampok ang ”Moryon: Panata sa Likod ng Maskara.”
Siksik, liglig at umaapaw ang programa sa Tertulia at Sining kasama si Frank Rivera, Elba Cruz, Glenn Sevilla Mas, Emman dela Cruz, Elena de Rosas, Divina Fabrique Cavestany, Beverly Wico Siy, Christine Carlos, Phil Panganiban, Bong dela Torre, Rommel Espejo, Heber O’Hara, Mark Angeles, Lexter Favor Tarriela, CJ Andaluz, at Police General Romeo “Bogs” Magsalos. Magkakaroon din ng special music performance mula sa We Got at kay Nicole Laurel Asensio.
ito po ang blurb ko, Ang orihinal na piyesa ni Danny Ledesma Mandia ay pagbibigay pugay at parangal sa tradisyon ng isla ng Marinduque para sa bansa. Ang mukha ng moryon ay maskara ng mga may panata, kahit sino basta Pilipino. Ang kuwento ni Longhino ay kuwento ng bawat isa sa atin may mga duda dati pero nagkaroon ng transpormasyon para sa pananampalataya. Ang moryonan ay ugnayan ng mga ninuno natign indio humarap sa mga moro, maging sa mananakop na Kastila na may helmet na ang tawag ay morion. ang mahalaga ay may panata, sagradong pangako sa hiling at pasasalamat.
Kasama ang Tertulia at Sining sa mga gawain sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila ngayong taon. Naghanda ang Lungsod ng Maynila ng mga gawain mula Mayo 31 hanggang Hunyo 29 kagaya ng Tikim Manila, Talentadong Manilenyo, Manila Bandstand at Timeless 2 Nick Nañgit Musical Concert. Sa darating na Hunyo 24 ang Araw ng Maynila, magkakaroon ng wreath-laying sa Rajah Sulayman at city civic at military parade. (PR)