Mga Libro at Website nilunsad tungkol sa Pagnenegosyo, Pagtatagumpay at Kabataan

Mga Libro at Website nilunsad tungkol sa Pagnenegosyo, Pagtatagumpay at Kabataan

Sabado, Hunyo 22 ay nilunsad ni Rommel Luna ang apat na libro at personal niyang website, mabibili sa Amazon Kindle ang mga sumusunod na akat: “Future entrepreneur’s guide in sales and marketing;” “After graduation, what happens next? A guide to have a better path after college;” “Best life coaching tips for youth and adolescents” at “The power of 50 mindfulness and stress reduction techniques.”

Sa pamamagitan ng streamyard na platform, nagkaroon ng programa ng 8:00 ng gabi binubuo ng mga dalangin, pagbasa at pagbabahagi ng may-akda mismo at mga kaibigan niya. Nagsimula ang sa aklat libro na “After College graduation what happens next? Kung saan nagbasa si Marian Moreno mula sa Blossom flower Delivery. Sinundan ito ng pagbahagi ni Angelica Yu buhay sa Richtown Hardware and Gen. Merchandize, tungkol sa “Future Entrepreneurs guide in sales and marketing.” Samantala, ang huling nagbahagi ay si John Paul Ibarra ng Alorica Teleservices tungkol sa “Best Life coaching tips for youth and adolescents.”

Binigyan diin ni Rommel Luna ang kaniyang karanasan sa huling tatlong dekada ang pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho at kliyente. Bilang magulang at negosyante, sinulat ng may-akda ang kaniyang danas sa The power of 50 Mindfulness and Stress Reduction Techniques.”

Sabi ni Rommel Luna, “Magsusulat ako nang magsusulat ng mga aklat o libro, printed man o e-books, at gagawa ng mga online courses at magtuturo ng logistics business ; ang negosyong nagbangon sa pamilya namin mula sa kahirapan, sa ibat-ibang paraan, dahil alam kong ito ang paraan kong maabot ang mas maraming tao sa buong mundo, maigabay sila lalu na ang mga kabataan,mula sa mga kaalamang matututunan nila sa mga nasulat, naranasan at nasaliksik ko. Ito ang paraan ko, upang maging kakaiba sa karamihan at hindi maging madamot. Ito ang paraan kong baguhin at mas patatagin ang mundong ginagalawan nating lahat. Salamat sa Panginoon sa maraming talento at katatagang ipinagkaloob nya. Ikaw man, ay kayang-kaya mong maging kakaiba!” (PR)

PRESS RELEASE