Mga kapanalig na ahensiya buo ang suporta sa mga magsasaka na nagtapos sa KSK program

Mga kapanalig na ahensiya buo ang suporta sa mga magsasaka na nagtapos sa KSK program

Lungsod ng Baguio –  Pitumput dalawang magsasaka ang nagtapos ng programang Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) mula sa SM Foundation, Inc., SM Supermalls at ng SM City Baguio na ginanap sa Cinema 3, SM City Baguio noong ika-3 ng Mayo, 2024.

Ang tatlong batch ng mga magsasaka ay ang Batch 303 – Sitio Liw-liw, Camp 4, Tuba, Benguet, Batch 304 – Barangay Bayabas, Sablan, Benguet at ang Batch 305 – Happy Hollow, Baguio City sila ay sinanay sa loob ng 14 weeks sa SM KSK program.

Ang Kabalikat sa Kabuhayan ay Agriculture program ng SM Foundation, Inc. Outreach program, (Since 2007) mula sa simpleng layunin ni Mr. Henry Sy Sr. upang maiangat ang antas ng buhay ng ating mga kapatid na magsasaka kaagapay sa programang ito ang mga kapanalig na ahensiya.

Labis ang kagalakan ni SM Baguio Assistant Mall Manager Jason Peña na naging bahagi ng SM Foundation ang programang “Kabalikat sa Kabuhayan.

“Ang KSK ay isang programa na handang tulungan ang mga magsasaka sa tamang pamamaraan ng pagtatanim ng mga prutas at gulay upang makamit ang masaganang pamumuhay,”

“Mula sa SM City Baguio kami ay lubos na natutuwa na makita ang inyong mga produkto at ani na nagpapamalas ng inyong husay at sipag sa pagtatanim, nawa’y patuloy natin suportahan ang isa’t isa sa pagpapalago ng ating sektor ng agrikultura,” ani Peña.

Nagpahayag ng mensahe at suporta ang mga kapanalig na ahensiya sa mga nagtapos na magsasaka ng Kabalikat sa kabuhayan.

Bawat isa ay nagpahayag ng kanilang mensahe mula sa DENR, DA, DTI, DSWD, DOST, TESDA-CAR, SM Supermarket, Municipal Agriculture, Head of DSWD, lokal na pamahalaan ng Sablan at Baguio City,  Exec Assistant from Office of the Mayor Benjamin Magalong, Lily of the Valley Organic Farm, SM Foundation, Inc. SM Supermalls, SM City Baguio, at Municipal Mayor Tuba Clarita Sal-ongan.

Ayon kay DOST-CAR Regional Director Nancy Bantog na ang programa ng SM Kabalikat sa Kabuhayan ay naisalin sa business plans na naka angkla sa hangarin ng gobyerno na seguridad sa sapat na tustos ng pagkain o food security, green environment at ligtas na pamayanan, ang sustainability ay isa sa apat na pillars ng DOST maliban sa web recreation, web protection at promotion ng well-being.

Binasa ni Executive Assistant Benjie Macadangdang ang  mensahe ni mayor Benjamin Magalong.

Nakasaad sa mensahe ni mayor ang tagumpay na ginampanan ng private organization na nakibahagi sa paggawa nito Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) on sustainable agriculture program, SM Foundation na kinakatawan ni Cristie Angeles – AVP SMFI Outreach Programs – Farmers Training Program, Lily of the Valley Organic Farm at ang mga may-ari ng iba’t ibang demo farm na ginamit bilang laboratoryo para sa pagsasanay.

“Napakalaking papel ang ginampanan ng sektor ng agrikultura sa ating lipunan. Dito tayo kumukuha ng ating nourishment para bumangon at mabuhay araw-araw.

“Ang progreso ay hindi monopoliya ng isang sektor. Iba talaga when ideas and voices from various sectors converge together.

“Sa mga graduating beneficiaries, huwag po sana tayong mapagod na ipagpatuloy ang natutunan ninyo sa training na ito. Napakalaki ng ambag ninyo sa komunidad. Thank you always for ensuring that there is sufficient and affordable food for our home.Yours is a difficult job, and the helpless mercy of the weather, Salamat sa inyong commitment. Wag po sana kayong magsasawa.

“Hindi lang po kayo farmer. Be proud that you are a farmer. Kayo po ang bumubuhay sa aming lahat. Kahit marami kaming pera, na hindi po totoo, kung wala naman kaming mabibiling malinis at ligtas na produkto mula sa inyo, hindi po tayo uunlad. Kaya asahan niyo po an gaming palagiang suporta, through our hard-working personnel at the City Veterinary and Agriculture Office, sa lubos ng aming makakaya,”

Salamat sa partnership na ito at congratulations sa ating mga farmer graduates,”

Sa pangwakas na pananalita ni Cristie ay una nitong pinasalamatan ang Panginoon, sa mga kasamahan sa opisina na naging kaagapay nito sa mga paglalakbay para maisakatuparan ang programa ng Farmers Training program upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat magsasaka sa Pilipinas na inumpisahan ni the late Mr. Henry Sy Sr. na kung saan ay pangunahing maipagmamalaki nito ay ang 14 Business Principles na nilikha niya 17 years na ang nakaraan.

Labis rin ang pasasalamat nito sa mga kapanalig na ahensiya na hindi nang iwan sa at patuloy na sumusuporta sa programa ng KABALIKAT SA KABUHAYAN (KSK) on Sustainable Agriculture. “MOVING FORWARD”  ### Photo by:  Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman