Mga bike-friendly na inisyatiba ng SM Supermalls, sumikat sa Mobility Awards 2023

Mga bike-friendly na inisyatiba ng SM Supermalls, sumikat sa Mobility Awards 2023

SM Supermalls bike racks and 80 repair stations nationwide. SM Mall of Asia protected bike lanes at the North Public Utility Vehicles (PUV) Terminal along Pacific Drive; At SM Lanang in Davao, joggers, cyclists, and drivers navigate the pathways, fostering safer and more accessible roads for everyone; SM Lanang in Davao’s “Bike My Way” program nurtures a love for cycling among children and teens, transforming the mall into a safe haven for aspiring cyclists and enthusiasts; SM Mall of Asia bike parking at the Entertainment Mall along Seaside Boulevard; SM Center Pasig’s protected bike lane along Dona Julia Vargas Avenue; SM City Masinag bike racks; SM Cherry Antipolo’s Bike Repair Station at the covered bike parking area; SM Cherry Antipolo’s Central Bike Stations with Bike & Dine facilities and dedicated seats; SM City Baguio bike parking at B1 Parking Annex; SM City North Edsa bike parking at Open Parking B; SM City Fairview holds a Bike Fest event in celebration of World Bicycle Day; SM City Manila bike parking facilities; SM City San Lazaro bike racks; SM Mall of Asia’s “Share the Road” signages; and SM Seaside City Cebu bike racks. (SM Supermalls File Photos)

Ang SM Supermalls ay kamakailan lamang na nagwagi sa Mobility Awards 2023, kung saan 13 na SM malls ang kinikilala bilang mga pasilidad na nagtataguyod ng mga sustainable at bicycle-friendly practices sa Pilipinas.

Ang SM Mall of Asia ay kinilala bilang “Top 2 Most Bicycle-Friendly Large Establishment” at iginawad ng Silver Award. Kasama sa iba pang Silver Awardees ang SM Center Pasig, SM City Marikina, SM City Masinag, SM City Angono, SM Cherry Antipolo, SM City Baguio, SM Seaside City Cebu, at SM Lanang sa Davao. Samantala ang mga Bronze Awardees naman ay kinabibilangan ng SM City North Edsa, SM City Fairview, SM City Manila, and SM City San Lazaro.

“At SM Supermalls, we believe in promoting a healthier and more environmentally conscious lifestyle. Receiving these recognitions motivates us to continue innovating and enhancing our facilities to better serve the needs of our cycling community,” sabi ni SM Supermalls’ President Steven Tan.

Ang SM Cares, na Corporate Social Responsibility (CSR) arm ng SM Supermalls, ay nagtataguyod sa komunidad ng mga nagbibisikleta sa pamamagitan ng Bike-Friendly SM Program. Binibigyan ng SM ng halaga ang pagbibisikleta bilang isang ligtas at ekonomikong alternatibo sa gitna ng pandemya, kung saan itinatag ang mga bike-friendly na pasilidad sa iba’t ibang lugar.

Sa SM Mall of Asia, mayroong malawak na network na may 18 kilometro ng shared at dedicated bike lanes, maayos na bike racks, vending machines, at service repair stations. Ang commitment na ito sa pagpapabuti ng cycling ay nasasalamin sa lahat ng SM Supermalls, patunay ang mga inisyatibang tulad ng 1.6km na designated bike lanes sa SM Seaside City Cebu, ang malawakang 2.1-hektaryang bike trail sa SM Center Pulilan sa Bulacan, bike lanes sa SM City Marikina, at ang pakikipagtulungan sa SM City Iloilo upang aktibong itaguyod ang kultura ng pagbibisikleta.

Mayroon din mahigit sa 500 na bike racks at 80 na repair stations sa buong bansa. Sinisiguro ng SM Supermalls ang ligtas at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga nagbibisikleta. Sa tulong ng Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), European Embassies, at mga grupo ng adbokasiya para sa cycling, naglunsad ang SM ng mga educational materials tulad ng Biker’s Manual at Bike Safety Videos, na layuning itaguyod ang tamang etiquette sa pagbibisikleta.

Ang Mobility Awards, na ino-organisa ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), The Climate Reality Project Philippines, MNL Moves, 350.org Pilipinas, at Pinay Bike Commuter Community, sa pakikipagtulungan sa League of Cities Philippines at 27 na regional na mga kasosyo, ay naglalayong ipagdiwang ang mga inisyatiba na nagtataguyod ng mabisang transportasyon.

Ang SM Cares ay nagtataguyod ng iba’t ibang adbokasiya, kasama ang mga programa para sa environmental sustainability, mga taong may kapansanan, mga bata at kabataan, kababaihan at mga breastfeeding na mga nanay, senior citizens, at social entrepreneurship. Upang malaman pa ang tungkol sa SM Cares, sundan ang @SMCares sa social media. ### (PR)

PRESS RELEASE