Meet and Greet with Congressman Bonifacio L. Bosita
BAGUIO CITY – (Enero 26, 2024) Magalang na ipinakilala ni City Councilor Vladimir D. Cayabas ang panauhing pandangal na si Congressman Bonifacio L. Bosita – 1-Rider Partylist sa mga sektor na mula sa (BAGO –Ilocos and Cordillera Region) National Cultural Society of the Philippines, Youth Mobile Force (YMF) na mula sa RMFB15 at BAGPTD, Senior, Women’s, Officers of Driving Instructor, Organization of Taxi Drivers and Operators, Seniors Citizens Leaders from different group, Partners from Religious Sector, CSO’s and Civic Organization (Realty Enterprise), Volunteers and Barangay Officials, APPROVED Volunteers IRC- (Igorot Riders), Councilor from Antique, and friends from the Media na ginanap sa NIIT School, 251, 5th Floor AYO Building, Magsaysay Avenue.
Ipinaliwanag ni Konsehal Cayabas ang mga naitulong ni Congressman Bosita sa mga kababayan partikular sa Cordillera na kung saan ay naglaan ng pang financial assistance noong kasagsagan ng pandemiya masasabi na tunay na public servant, tapat sa lipunan, sa komunidad at sa bansang Pilipinas.
Sa dami na nagpapatulong kay Cong Bosita may mababang loob, malasakit sa kapwa, alam niya kung ano ang buhay mahirap dahil galing rin siya sa hirap, kaya sa pagkakataon na ito ay kanyang maibahagi ang kanyang mga karanasan at kung paano binago ang buhay ni Cong. Bosita.
Ibinahagi ni Cong. Bosita ang kanyang talambuhay at mga naging karanasan nito.
Sinabi ni Congressman, “May dalawang dahilan lamang kung bakit ako pumunta dito sa Baguio City kahit busy tayo sinikap kong makarating dito at makita, makilala at samantalahin para magpasalamat sa inyo, nagpapasalamat ako sapagkat without your support noong 2022 election, ako at si brother Vladimir wala sa panunungkulan, ngunit kayo at ang iba natin kababayan ay sumuporta sa amin sa 1-Rider Partylist,”
“Ako ay anak ng magsasaka, siyam kami na magkakapatid at ako ang bunso, walang kasinungalingan lumaki ako sa bahay kubo, musmos pa lang ako ng namayapa ang tatay ko, kung paano ilalarawan ang pamilya namin ito yun literal na “mata lang ang walang putik” sa ibang salita hindi ako nasasaktan pero kung may tinatawag na mga hampas-lupa, kabilang kami doon and God is good, Why? Nakakatuwa ang kabutihan ng Panginoon na niloob niya na nanggaling ako sa ganung pamilya, mas pipiliin ko pa rin ang dating pamumuhay and why God is good? Hindi ko sinusukat ang ibang tao pero may nakikita akong mga tao na galing sa hirap ngunit pag umangat wala ng kilala, mataas na, masungit na, masama na ugali, kaya ang ipinagpapasalamat ko sa Panginoon niloob niya na hindi ako natulad sa iba na bagama’t naging Colonel, naging Congressman ay parang iba na ang pagtingin sa sarili, “
“Noong ako ay nasa military at police service especially noong nasa PNP Highway Patrol ako, nakita ko libo-libong Filipino ang namamatay sa aksidente.
Professional Civil Engineer ako pero hindi ko na enjoy ang pagiging engineer ko dahil hindi ko gusto manungkulan kung saan magagamit ko ang aking propesyon, dahil noong bata pa ako sa serbisyo, tayo naman ay pare-parehong Filipino, talamak ang magnanakaw gusto nila ibulsa lahat, ilang beses na ako nagkakaso, nagkakaso ako hindi dahil ako’y masamang empleyado ng pamahalaan, nagkakaso ako ng ilang beses dahil kontrabida ako sa mga tiwali na pagnanakaw dito ko nakita ang problema kaya nagpa assign ako sa PNP Highway Patrol Group at doon ko nakita libo-libong Filipino ang namamatay sa road crashes,”
“Naniniwala ako na 100 percent walang taong nangarap na maging masama at pabigat sa lipunan, so yun mga kapatid natin nasa piitan hindi sila likas na masama,”
Simula noong 2006 nagka conduct tayo ng libreng seminar sa iba’t-ibang lugar ng ating bansa para sa ganoong pamamaraan mapigilan natin ang pagdami ng bilang ng mga namamatay sa aksidente, and God is good, dahil nagawa natin yun at nasaksihan ko rin ang pang-aabuso ng mga tiwali at mapagsamantala sa hanay ng kapulisan at ng mga tagapagpatupad ng batas trapiko and since then kung ano yun nakikita niyo na ginagawa ko ngayon, ginagawa ko na way back 2006, nakikipag-away ako para sa kapwa ko, galit ako sa abusado sa tiwali sapagkat bata pa lang ako nasaksihan ko na ang mga tiwali at mga abusado,”
“Sa harapan niyo ay nanunumpa ako hindi ko binalak pumasok sa pulitika, wala akong pangarap pumasok sa pulitika pero ano ang nagtulak sa akin para pumasok sa pulitika araw-araw, gabi –gabi may mga motoristang umiiyak humihingi ng tulong inaabuso ng mga pulis at ng mga enforcer dumating sa punto ipinagtanggol ko yun kaawa-awang motorista, ako pa ang nakasuhan na ang sabi nila retired na ako bakit nakikialam pa, sabi ko, ibig pala nila sabihin dahil retired na ako sa service, kahit mali ang kanilang ginagawa ay huwag tayong makialam, ang sagot ko naman “pakialamero ako dahil ayaw kong inaapi at inaabuso ang kapwa ko lalo na yun mahihirap, since then, I realize sabi ko sa aking pamilya, sa aking mga ka-adbokasiya, ang buhay natin ay maikli lamang kaya naisip ko na para magamit ko ang aking pagtulong sa kapwa lalo na sa mga inaabuso ay kailangan ko pumasok sa pulitika, kung loobin ng Panginoon na dapat ba akong makaupo sa kongreso manalo, kung hindi naman loobin ay talo, para at least pagdating ng araw mamamatay ako wala akong pagsisisihan, “
“Ngayon dahil niloob ng Panginoon sa tulong ninyo at sa tulong ng ating mga kababayan ay nakaupo ang 1-Rider Partylist sa kongreso,”
“May mga plano ako na higit natin palalakasin ang ating adbokasiya, ngunit hindi ko muna itatalakay ito sa inyo,”
“Ang pagpunta ko dito sa inyo ay upang mag report at magpapasalamat kami kasama ko si Congressman Rodge Gutierrez na iniluklok niyo sa kongreso ang 1-Rider Partylist.
“First month ko pa lang sa kongreso yun batas matagal ng hindi pinapansin sa tulong ni Honorable Secretary ng DILG Benjamin Abalos Jr. naipilit natin ipatupad at sundin ang mga lokal na pamahalaan na may batas na nagsasabi kapag hindi ka deputized ng LTO bawal kang magkumpiska ng lisensiya, ano ang kahalagahan nun? Dito nakikita ang sitwasyon ng mga motorista kapag kinumpiska ang lisensiya napipilitan magsuhol ang mga kapatid natin motorista at yun talamak na pag impound na mga sasakyan, illegal towing nasupil natin yan, at yun more than 30 years na ginagawa ng LTFRB na panghuhuli at pag iimpound ng mga sasakyan yun pala ay illegal dahil wala silang kapangyarihan, yun mga katiwalian at mga pang aabuso ng mga enforcers hindi lahat pero marami sila, nasupil natin yan at naipapatupad na sa mga lokal na pamahalaan,”
“Kung wala tayo sa posisyon tatawanan lamang tayo at hindi papakinggan ito ang dahilan kung bakit kailangan mag abala ako at humarap sa inyo para iparating ang pasasalamat sa ngalan ng 1-Rider Partylist,”
“May paalala lamang ako sa mga motorista mga Tatay, Nanay at Senior Citizen pag kayo may kapamilya na nahuli ng tiwali at abusado sa inyong lahat may pamantayan tayo, pag mali ang huli sa inyo huwag ng makipagtalo, ang SOP nakita mo mali ang huli sa iyo kahit saan ka pa man hinuli at mali ang huli sa iyo huwag ka na makipagtalo, kahit mali ang pulis o enforcer tanggapin mo magpa ticket ka, dahil ayaw kong ma stress kayo, kung mali ang huli yun multa sagot ni Congressman Bosita, kaya kung mali ang huli sa inyo ay sasagutin na lng ni Congressman Bosita lahat ng damyos at ang hihingin ko lamang sa inyo ay salaysay pirmado dahil hindi ko papayagan inaabuso kayo at ako ang magsasampa ng kaso,” pagtatapos ni Cong. Bosita
Si Congressman Bonifacio L. Bosita ay kilalang “SUMBUNGAN NG MOTORISTA, BASTA TAMA, KAMPI-KAMPI TAYO”
Samantala ipinasyal ni Councilor Cayabas si Cong. Bosita sa studio nito ng Tangguyob ti Umili Foundation upang magbigay bati at mensahe sa mga kababayan natin sa lungsod ng Baguio. Photo by: Mario Oclaman