MEDICAL CARAVAN OF SEN. ALAN & PIA CAYETANO IN BGHMC

MEDICAL CARAVAN OF SEN. ALAN & PIA CAYETANO IN BGHMC

Baguio City – (July 6, 2023) Dalawang araw na Medical Assistance Program nila Senator Alan Peter at Pia Cayetano ang idinaos sa Baguio General Hospital Medical Center noong July 6 at 7, 2023.

Ayon kay Kneil Macapagal – Sectoral Head ng Medical Team ni Senator Alan Cayetano, “Ang medical program na ito ni Senator Alan ay Medical Caravan part ng medical assistance program nila Senator Alan at Pia Cayetano.

“Madalas po natin makita na ang mga pasyente ay sila ang lumalapit sa mga senador sa senate, kaya ang gusto mangyari nila senator Alan at Pia ay kami naman ang lalapit sa ating mga kababayan so, this is actually our 19 hospital na all over the Philippines we’ve been from Luzon, Visayas to Mindanao ang napuntahan na namin,”

“Ang binibigay natin sa serbisyo ng Medical Caravan ay sinasagot natin ang mga hospital bill, laboratories nila, at mga available na gamot sinasagot namin lahat ito pag bumababa kami sa medical caravan,”

“This is our 2nd time in Benguet nauna na kami nakapunta sa Benguet Gen Hospital last March at ngayon dito sa Baguio ang target namin ay the more the merrier marami pa sana tayo matulungan ay mas mabuti, we are looking at this is the 11th hospital sabi ng ating MNS usually ang mga pasyente natin dito outpatient per day ay umaabot ng 150 so, since na announce naman ito sa media at ng platforms sa senate sa ating mga LGUs partners like our Mayor Benjamin Magalong at ni Congressman Mark Go, we are expecting na sana at least around 500 at mas marami pa pumunta hanggang July 7 pa tayo dalawang araw na serbisyo ito ng Medical Caravan ni Senator Alan at Pia Cayetano,”

“Ang binibigay natin ay in the form of guarantee letter ito ay in partnership with DOH na Medical Assistance Indigent Program partnership rin dito sa Malasakit Center sa MNS,”

“As long lahat ng serbisyo dito sa hospital, lahat ng pasyenteng gusto magpa check up dito sa BGH and also other DOH hospital pwede natin tulungan,”

“Depende kung magkano ang nasa charge slip nila dito sa OPD halimbawa may mga x-ray, laboraties kung magkano ang nasa charge slips o dun sa resibo nila kailangan bayaran ay yun na ang mailalagay sa guarantee letter kasama na rin pati mga gamot na naka prescription, at para naman sa magdi-discharge as much as possible kinokober na natin lahat kung magkano ang bill nila,”

“Ongoing na rin ang coordination natin with the hospital na pwede natin uli balikan at pwede uli tayo magkaroon ng mga special caravan dito sa Baguio dahil may ibang region na kami binalikan like sa Region 3 at ginawa namin yun special caravan para sa mga outpatient,”

“Sa kabuuan na bill ng ating caravan as much as 200,000 na ang naibigay natin all alone yun sa isang tao na pasyente

“Karamihan sa mga pasyente natin ay may chronic illness o yun  (CKD) “Chronic Kidney Disease yan ang karamihan at yun may mga hypertension, diabetes at heat ailments,”

“Ang advise namin sa mga pasyente kahit wala na kami rito ay mare reach pari nila kami through our Facebook page official senator alan and pia cayetano tulong medical lahat ng mga pasyente mag message lang doon at maging yun mga pasyente natin na may CKD at sa mga nagda dialysis ay tuloy tuloy ang gamutan, we advise them na every 3 months bumalik lang sa amin”

Samantala, nakapanayam natin ang isang outpatient na si Nanay Sarol na taga Lower Quarry, Baguio City na kung saan ay nagtiis pa anya pumila upang ilapit niya ang kanyang mga sakit lalo na ang kanyang pag injection na pampataas anya ng Hemoglobin dahil 3x a week siya nagpapa inject at dito siya nahihirapan dahil P3,500 a week, maliban pa sa gamot ngunit nakakahingi  siya ng mga gamot sa city hall ngunit kulang pa rin ang naibibigay dahil sa marami rin ang nabibigyan na mga pasyente,  nagpapasalamat si nanay dahil nauna siyang napagbigyan ng guarantee letter na umabot ang amount sa P93,938.00 dahil siya ang una anya na may CKD at running to 14 years na rin na nagpapa dialysis.

Sa mensahe ni Nanay Sarol para kay senator Alan at Pia Cayetano. “Malaki ang pasasalamat ko kay senator Alan at Pia Cayetano dahil sila ang hulog ng langit sa amin na may mga sakit, hindi man ito naging cash ay napakalaking tulong pa rin sa amin ito sa pagpapagamot na lang ay nakakaginhawa rin sa pakiramdam, sana magpatuloy pa po kayo sa inyong paglilingkod sa aming mga may karamdaman kayo po ang ginagamit ng ating Panginoong Diyos para mapabuti ang aming karamdaman sa buong Pilipinas,” pagtatapos ni Sarol.   Photos by: Mario Oclaman //Filipino News Sentinel

Mario Oclaman