Mayor Magalong inspected the soil erosion in Philam Barangay

Mayor Magalong inspected the soil erosion in Philam Barangay

Personal na pinuntahan ni Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong kasama si City Disaster Risk Reduction and Management Office Engr. Charles Carame, City Building and Architecture Office Engr. Omeng Pascual at Engr. Fred Dulo upang suriin ang naganap na pagguho ng lupa sa lugar dulot ng tuloy-tuloy na pag ulan at may kasamang malakas ng hangin nitong Bagyong β€œCarina”

Agaran naman nailikas ang ilang apektadong residente sa naturang lugar ng soil erosion.

Bumisita rin ang alkalde sa nangyaring landslide sa Camp Allen at nagtungo rin siya sa Ambiong para sa naiulat na napipintong pagguho ng lupa sa ilalim ng isang mapanganib na puno. Agad na naiulat ito sa CEPMO para sa kaukulang aksyon.

Pinaalalahanan ni Mayor Magalong ang lahat na manatiling alerto sa lahat ng oras at mag-ulat ng anumang uri ng emerhensiya sa 911. MTE

Mario Oclaman