Mayor Magalong as keynote speaker at 3rd National General Membership Meeting of REBAP

Mayor Magalong as keynote speaker at 3rd National General Membership Meeting of REBAP

BAGUIO CITY – Sa ginanap na 3rd National General Membership Meeting ng Real Estate Brokers Association of the Philippines, Inc. na ang tema ay “SOAR HIGH REBAP: Ensuring Social Development and Inclusive Growth” noong Ika-21 ng Setyembre 2022 sa Baguio Convention Center na kung saan ay pangunahing tagapagsalita si City Mayor Benjamin B. Magalong.

Dinaluhan ito ng mga delegado mula sa iba’t ibang panig na lalawigan / siyudad ng Pilipinas na inorganisa ng matataas na opisyal ng REBAP.

Pinangunahan ito ng mga opisyal ng REBAP na sina CRB Michael M. Agot bilang REBAP National President, CRB Armando Jim O. Ordoñez Jr. – REBAP Chairman, CRB Esmeralda P. David – REBAP National Vice President for Finance, CRB Agnes Soledad G. Garcia – REBAP National Secretary General at ang nagpahayag ng Treasurer’s Report na si CRB Cora Cabug – National Treasurer 2022, and hosted by Edong Carta of PTV-4.

Labis ang pasasalamat ng alkalde dahil anya sa pag-imbita sa kanya ng REBAP officers at ang lungsod ng Baguio ang napiling venue ng mga delegado.  

Sa mensahe ni Mayor Magalong ay inisa-isa nito ipinakita ang mga pangunahing ongoing at future redevelopment projects tulad ng Smart City Command Center, Athlete’s Quarters, Tennis Courts and Parking Improvement, Irisan Eco-Park Phase II, Post Office Park, Botanical Gardens, Arboretum,  Burnham Park Redevelopment, Public Market Redevelopment, Inter-Modal Transport Terminal, at Triple A Abattoir, Cold Storage, Livestock Market.

At ipinaliwanag rin ang pamumuhay ayon sa kapasidad ng pagdadala ng Lungsod at ang bilang ng mga tao na masusuportahan ng ating likas na kapaligiran.

Ipinakita sa visual kung paano ang malaking pagbabago ng Baguio City’s Carrying Capacity from 1980 to 2020 na ito ang mga sumusunod:  Urban Road Area na may 40sq/m per person, Solid Waste Collection ay 0.24 MT per person per year, Water Supply ay 0.15m per person per day, Liquid Waste Treatment ay 0.3m per person per day, Open Spaces ay 20sq/m per person, Land for Development ay 110sq/m per person, Forest Cover ay 40sq/m per person at ang Green Cover na 80sq/m per person.

The City of Baguio remains on the theme of Good Governance Beyond Politics and this includes Transparency, Integrity, Accountability, and Purity of intention according to the closing message of the Mayor. #  Mario Oclaman // FNS

Mario Oclaman