MarSU kabilang sa Human Ecology Consortium, Dadalo sa Kumperensiya kasama si Dr. Robert Dyball

MarSU kabilang sa Human Ecology Consortium, Dadalo sa Kumperensiya kasama si Dr. Robert Dyball

Los Baños, Laguna – Kasama sa Philippine Human Ecology Consortium ang Marinduque State University, sampu ng University of the Philippines Los Baños, Nueva Viscaya State University, Palawan State University, University of Southern Mindanao, Central Mindanao University at Human Ecology Institute of the Philippines, Inc na magsasagawa ng kumperensiya ngayon Setyembre 30 hanggang Oktubre 2.

Ang tema ng idaraos na kumperensiya ay “Embracing Diversity, Co-creating the Pathways for Human Ecology in the Philippines” na gaganapin sa UPLB Sculpture Garden kasama ang isa sa mga tagapagtaguyod mula sa Australian National University, si Dr. Robert Dyball. Tampok sa kumperensiya ng nasabing consortium ang paglagda ng kasunduan sa mga nabanggit na pamantasan sa Pilipinas.

Magkakaroon ng paksa tulad ng Conceptualizing Human Ecology in Philippine Higher Education Institutions, Strengthening Human Ecosystems Education and Future Directions for Human Ecology bago ang susing panayam kay Dr. Dynall tungkol sa Understanding Human Ecology. Samantala,a ng HUMEIN Philippines inc naman ay maglalahad tungkol sa papel nito sa pagpopropesyonalisa ng Human Ecology sa bansa sa unang araw.

Ang kasunod na bahagi ay mga palihan sa Human Ecology in Food and Nutrition security at pagpapalawig sa overview of introductory course on Human Ecology. Habang ang huling bahagi bago ang pagsasara ng kumperensiya ay ang ways forward. (PR)

PRESS RELEASE