Marinduque “Festival of Festivals” umarangkada na kahit medyo inulan

Marinduque “Festival of Festivals” umarangkada na kahit medyo inulan

Boac, Marinduque – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-105 na muling pagkakatatag ng lalawigan ng hugis puso at sentro ng Pilipinas, matagumpay na dinaos ang Marinduque Festival of Festivals nang Pebrero 22, Sabado simula ng 2:00 ng hapon. Binubuo ng anim na bayang kalahok kasabay ng parada ng mga float mula sa iba-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ang pagkakasunod-sunod ng street dance na parada ay Maalindog-Tubaan mula sa Buenavista, Kangga Festival galing sa Mogpog, Gasang-gasang Festival naman ng Gasan ang kasunod, habang pangatlo ang Torrillos festival sa Torrijos, pangalawa sa huli ang sa Boac na Bila-Bila Festival at pang-anim ang Seafood festival ng Santa Cruz.

Samantala, may humigit kumulang na sampung float: AFP-1704 1A CDC, RESCOM, Philippine Army; Cong. Lord Allan Jay Velasco; Department of Environment and Natural Resources; Department of Public Works and Highways; Department of Education and National Museum; Department of Interior and Local Government family kasama ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology; Marinduque Tourism Development Council; Department of Tourism Family sampu ng Land Transportation Office, Philippine Ports Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, Philippine Coast Guard kasama ang Tricycle Operators and Drivers Association at Provincial Government of Marinduque.

Ayon sa mga inampalan binbuo ng mga pribadong sektor, akademya, ahensiya ng pamahalaan at kaparian, ang Marinduque Marinduque Festival of Festivals ay pagtatampok ng kultura at sining, bubuohin ito ng dalawang bahagi: street dance parade at festival dance showdown. Ang Isang kalahok na bayan ay binubuo ng hindi bababa sa 50 ngunit hindi lalampas ng 75 kalkhok kasama ang ang mga mananayaw at musikero. Bawat isang kalahok na bayan ay may tatanghaling Festival o Contingent Queen. Ang pamantayan ng pagtatasa ay tema o konsepto 35 pts, koreograpi 20pts, pagtatanghal 20pts, kasuotan 15pts at props 10pts.

Liban sa Moriones lenten rites, Bila-bila Festival ng Boac, Kangga Festival ng Mogpog at Gasang-gasang Festival sa Gasan ang mas pamilyar. Ngaunit kaabang-abang ang mas bagong pagdiriwang kagaya ng Torrillos Festival na half sa toril o himipilan ng mga baka kung hindi inuula o pinapakain. Habang ang Seafoods Festival naman ng Santa Cruz ay nagpapakita ng kanilang koneksiyon sa pamanang baybayin at kuwento ng yamang pandagat. At ang Maalindog-Tubaan Festival ng Buenavista ay bata sa paniniwala sa mga enkantadong tagabpangalaha ng Bundok Malindig at isa sa mga pangunahing produkto ng tuba lalo na nang panahon bukas pa ang Bella Roca o elephant island.

Tinanghal na Festival Queen mula sa Bila-bila Festival ng Boac, inure naman ng Torrillos Festival ang Best in Musicality at Street Dancing ang Torrijos, at Kampeon naman ang Seafood Festival ng Sta. Cruz kasama ang premie sa Best in Props at Costume. Binigyan naman ng mga consolation prize ang Gasan, Mogpog at Buenavista. Binubuo naman ng technical judges mula sa Marinduque National High School at Marinduque State University sina Sir Nikko Reyes, Mam Ruby Ann Lantita at Mam Sharmaine Balut. Samantala, kasama sa inampalan sina Mam Antonette Romasanta, Fr. Louisse Riego, Dr. Roniel Macatol, Dr. Lynn Mendoza at Dr. Randy Nobleza.

Nagsimula noong Pebrero 20 sa Baliktanaw sa Kasaysayan forum sa Marinduque State University ang ika-105 na taong muling pagkakatatag ng Marinduque. Sinundan ng State of the Province Address sa Kapitolyo ng Punong Lalawigan si Gob. Prebitero Velasco Jr. at Gawad Marinduqueño kung saan binigyan ng parangal si Dr. Diosdado Zulueta sa larang ng edukasyon mula MarSU at si Direk Danny Mandia ng posthumous na parangal na kinatawan ng pamangking si Katuwang na Prop. Anna Rofel Lozada. Ang tampok naman sa huling araw sa Pebrero 23 ang Pusomoto: Heart of teh Island Circuit motoring adventure mula sa inisytiba ni dating ispiker at Kinatawan ng Lalawigan ng Marinduque si Lord Allan Jay Velasco. # Randy T. Nobleza Ph.D

PRESS RELEASE