Manggagawa ng Farmer’s Basket pinulong ng namamahala
Bago pa man sinimulan ang pagpupulong ng mga manggagawa ng Farmer’s Basket ay naglabas muna ng pahayag ang tagapamahala kaugnay sa mga pangyayari sa loob ng tatlong buwan nilang operasyon, na dito ay naramdaman nila ang unti-unting pag-unlad, nakikilala at dinarayo na rin, sa madaling salita gumaganda na ang kinalalabasan nito, kaya labis ang pagpapasalamat nito sa kanyang mga manggagawa.
“Ngunit may mga hindi inaasahan rin na pagsubok, mga balakid na kung minsan ay humahamon sa ating mga pangarap na kung hindi tayo maging matatag ay tiyak na mabubuwal ang pundasyon na pinaghirapan natin,” Ito ang mga makahulugang salaysay na binitiwan ng isang matiyagang negosyante na patuloy na nagsusumikap sa kanyang inumpisahan, dahil nung una pa man bago niya itinayo itong Farmer’s Basket Resto ay maka ilang beses niya pinag isipan ito kung kaya ba niya mapagtagumpayan ito o sa isang banda naman ay sumagi sa isipan niya ang mag trabaho sa abroad.
Ngunit dahil sa naging karanasan niya sa mga pagtitinda ng gulay, prutas, karne at isda ay ito ang nagtulak sa kanya para ituloy na ang kanyang pangarap sa pagne-negosyo, na nakikita na niya ngayon kung ano ang nagiging epekto pala nito.
Personal ko kinapanayam ang may-ari ng Resto, wala pa man siya nababanggit ay nakikita ko na ang nangingilid na luha sa kanyang mata.
“Mahirap ipaliwanag at naging kataka-taka rin dahil hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa kanila, dahil para sa akin ay gusto ko na maging maayos ang direksiyon ang operasyon ng aking negosyo, kung kailan na nakikita ko na gumaganda na ang takbo nito ay dito naman sumasabay ang mga balakid na kung minsan ay ikinagugulat ko na lang dahil hindi ko inaasahan na magiging problema ko pa ang taong kung sinong alam ko na magiging katuwang ko sa hanapbuhay, minsan sa pamilya, sa mga malapit na kaibigan na pilit ako ibinabagsak, naging open naman ako sa lahat, na kung minsan ay isusubo ko na lang nga pero pag nakikita ko ang kawalan niya ay inuuna ko pa rin siya pagbigyan, hindi lang nila alam na kung mag-iisa na lang ako sa kuwarto ay di ko mapigilan ang maiyak, kaya sa mga prayers ko na lang idinadaing kay God na tulungan ako at palakasin pa sana ang loob ko na magpatuloy sa pangarap ko, na ang pangarap ko rin ay matulungan ko ang mga taong walang trabaho, dahil alam ko ang feeling ng taong walang trabaho, kaya itong ginagawa ko sa mga empleyado ko ay inaalagaan ko sila kung paano sila maging masaya sa kanilang trabaho, dito ko inumpisahan na magkaroon ng mga recognition para may mga incentives at salary increase rin sila matatanggap, libre na sila sa accommodation city services at kasabay ko pa sila minsan kumain, itinuturing ko na rin silang kapamilya basta sana maging mabuti rin sana sila at alam na nila kung paano mag disiplina sa kanilang trabaho,”
“Ngayon nagpapasalamat ako sa mga taong sumuporta sa akin na tinulungan ako inangat sa mga pagdidiin nila na pabagsakin ako, batid ng Panginoong Diyos kung ano ang nasa puso ko, kung ano ang layunin ko para mapabuti ang takbo ng aking negosyo na kasama ko ang aking mga manggagawa,” pagtatapos nito. Mario Oclaman / FNS