Malaking pagguho sa Gibraltar dulot ng patuloy na pag-ulan ng bagyong Betty

Malaking pagguho sa Gibraltar dulot ng patuloy na pag-ulan ng bagyong Betty

Lungsod ng Baguio – (May 31, 2023) Halos dalawang araw ang walang hinto na pag ulan at malakas na hangin ang dala ng bagyong Betty na nag dulot ng paglambot ng lupa sa ilang bahagi ng lungsod ng Baguio.

Isang lalaki ang nakasaksi sa pag-guho ng lupa sa Purok 1, Gibraltar na kung saan ay nakuhaan ng video ni Epogs Nociete noong umaga pa lang ng Miyerkules (May 31, 2023) ay nakatutok na ito at kanyang kinukuhaan ng video habang patuloy ang pag-ulan ay nakikita niya na unti-unting gumuho na nag umpisa sa kinabite na mga bato at hanggang tuluyan ng bumagsak ang malaking bahagi na lupa na may ilang kabahayan at ang comfort room na ginagamit ng mga guwardiya na naka duty sa naturang lugar ay bumagsak na rin.

Makikita sa itaas na larawan ang paglitaw ng sewer na anumang oras ay maaring bumagsak na kasama ang sidewalk at hindi alam ito ng mga dumadaan na motorista sa kalsada, agad naman nai report ni Epogs kay Punong Barangay Nemesio Huag at agad na ito ipinasara.

Ayon sa ilang residente, may ginagawang construction at excavation na malapit sa lugar na pinangyarihan ng pag-guho.

Kung saan ay isasagawa ang masusing imbestigasyon kung may kaugnayan ang mga ito sa pagguho ng lupa sa naturang lugar.

Wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa naturang pangyayari.  Ulat ni Mario Oclaman // FNS (Larawan kuha ni Epogs Nociete)

Mario Oclaman