Mahigit P350M Marijuana plantation sinunog sa Cordillera, 3 cultivators huli, mga residente humihingi ng Farm to Market Roads para mawala na ang nagtatanim ng Marijuana
Tinglayan Kalinga – Sa ika-pitong araw ng “Oplan Herodotus Reloaded” nagsagawa ng maikling pagpaplano kasama ang Air Force, Army, PNP at PDEA sa isasagawang aerial inspection sa isinasagawang pinakamalawak at pinakamalaking marijuana eradication sa Cordillera ngayong taon.
Nakita sa paglipad ng mga Air Assets ng Philippine Air Force habang sinusunog ang mga marijuana sa gitna ng kabundukan ng tinglayan kalinga kahapon, paglapag ng inspeksiyon team sa barangay Tulgao East sa Tinglayan pa rin, agad nagsagawa ng information dissemination ang mga kawani ng gobyerno sa isinasagawang Massive Marijuana Eradication.
Kwento ni Punong Barangay Miguel Guyang na hindi dati nararating ng mga operatiba ang malaking bahagi ng plantasyon ng marijuana dahil dito raw namumugad ang mga rebeldeng NPA, panawagan naman ng mga residente tulad ni Daniel Basigan na dating rebelde isa na ngayong magsasaka, kailangan nila ng farm to market road sa kanilang lugar para mawala na ang mga taniman ng marijuana at mapalitan ng mga gulay dahil mataba ang lupain nila.
Ayon kay PCOL. Benjamin Sembrano, DRDO ng PROCOR, mahigit P350M na ang nasirang marijuana plants sa isang linggong operasyon sa labintatlong lugar, naka huli rin sila ng tatlong marijuana cultivators at mga baril sa mga naaktuhang nagbabantay at nag-aani ng marijuana. patung-patong na kaso ang kahaharapin ng mga suspek.
Sa panayam kay PDEA Cordillera Regional Director Gil Castro, bumababa na raw ang supply ng shabu sa buong Pilipinas at pumupunta na sa marijuana ang iba kaya dapat daw ay maputol na rin ang malaking pinanggagalingan ng marijuana. Ayon pa sa kanya dapat may magandang programa ang mga pulitiko sa mga problema tulad ng illegal na droga para makita ang direksyon ng magiging administrasyon, habang hindi pa nagiging batas ang medical marijuana ay patuloy daw nila itong susugpuin.
Inaasahan ng operasyon na ito na masira ang mahigit na isang bilyong pisong halaga pagsapit ng March 2 kung kelan mag-tatapos ang marijuana eradication sa bundok mga bulubundukin ng Tinglayan Kalinga.
Photo courtesy by PNP PRESS CORPS with reports PDEA Cordillera