Magigiting na kababaihan ng Cordillera, pinakilala ng NCIP
BAGUIO CITY – (Marso 31, 2021) – Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayon buwan ng Marso na ginanap sa SM Baguio, ay nabigyan ng pagkakataon magbahagi at maglahad ng kanilang mga karanasan sa mga nangyaring maganda o malungkot man noong mga panahon ng krisis na dulot ng pandemiya, ang pagkalat ng coronavirus- 19 na bumalot halos sa buong mundo.
Mula sa mga magigiting na kababaihan ng Cordillera ay kinikilala at pinahalagahan ng National Commission on Indigenous People (NCIP) ang mga panauhin na mula pa sa iba’t-ibang lupalop ng probinsiya.
Naging tampok ang tema sa taong ito; Juana Laban sa Pandemiya: Kaya!
Naunang nagpakilala si Central Mindanao NCIP Commissioner Jennifer Sibug-Las para ipakilala ang mga panauhin at dinggin ang kanilang mga karanasan na tampok sa pagiging lider nito sa rehiyon ng Cordillera kung paano napaglabanan ang mga hamon at natutong tumayo sa mga pagsubok noong kasagsagan ng mga lockdown sanhi ng COVID-19.
Ipinakilala si Dra Jesusa Arinto, na tubong Ibanag at galing Isabela, dentista ng Department of Social Welfare and Development.
“Nakaranas ako ng tatlong beses na quarantine dahil nasa DSWD ako na nag aasikaso sa mga patients at nakikipag interact sa mga tao at wala akong alam na may nakaka interacted na pala ako sa tatlong positive ng Covid-19, kaya nag decide ako na sa office na lang ako mag quarantine, nag worried ako kasi ang husband ko ay 62 years old na, naalala ko na ang Covid ay most infected yun na vulnerable, nalungkot ako kaya nag decide ako na umalis na sa bahay at sa office ako nag quarantine ng 14 days pinaliwanag ko na lang sa anak ko ang sitwasyon ko,”
Nagpaabot naman ng mensahe si MTRCB Board Member, Actress at Entrepreneur Ms. Kate Brios
“Para ma inspire natin ang mga kababaihan ngayon Women’s Month dahil malaki ang ginampanan natin sa pakikipaglaban bawat hamon ng buhay, hindi lang tayo ilaw ng tahanan kundi liwanag rin ng sanlibutan,”
“Maging instrumento tayo sa mga kababaihan na may lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok lalong lalo na sa panahon ng pandemiya, ang masasabi ko lang ay lagi tayo mag-ingat at sumunod sa mga pinaiiral na health protocols, kagaya ngayon may ECQ na naman sa kalakhang Maynila kaya pagkatapos nitong programa ay magmadali na kami makabalik sa Manila baka abutan kami ng lockdown, pero ganunpaman ay karangalan ko na makahalubilo at makasama kayo sa ganitong okasyon na pagdiriwang ng mga kababaihan,”
Namahagi rin ng vitamins at food supplement na ito anya ang ipinamamahagi niya sa mga front liner upang mapalakas ang immune system at panlaban na rin sa Covid-19.
Ipinakilala naman ni NCIP-PMMED, OIC Chief Jordine Rose Ocon ang limang pinuno ng kababaihan sa likod ng Bayanihan Cordillera na patuloy na tumutulong sa daan-daang mga frontliner at health workers sa lungsod ng Baguio mula nang magsimula ang COVID-19 pandemya noong nakaraang taon.
Pinangunahan ito ni Ms. Angelie Pamela Cariño bilang pangulo sa grupo kasama sina Katrina Victoria Quindara-Gumaya, Khristine Molitas, Melyn Apilis and Evangeline Ariaga-Arseniuk.
Ibinahagi ni Cariño na ang Bayanihan Cordillera ay nakamit mula sa isang pangkaraniwang pananaw na gawin ang paglilingkod sa pamayanan kung saan ito ay kinakailangan gawin. Sa kasagsagan ng pandemiya ay lakas loob at nagkaisa silang itinatag ang ganitong gawain na ang pinaka layunin ay makapag-bigay rin sila ng serbisyo, relief food assistance sa mga kapwa na higit na nangangailangan ng tulong na galing sa kanilang mga pagsisikap rin at mga donors.
Nauna rito ng pagsabog ng bulkan ng Taal noong Enero, 2020.
Ang grupo ng Bayanihan Cordillera ay nagbigay ng mabilis na tugon pagkaraan ng pagsabog ng Taal Volcano sa pamamagitan ng pagtakbo ng gulay mula sa mga nagbigay na magsasaka.
Nagtuloy-tuloy na ang kanilang adhikain na makatulong dahil sa mga sinalanta rin ng bagyo sa Catanduanes, Cagayan at Bicol ay nakapagbigay rin sila ng tulong at maging ang mga nasunugan rin sa lungsod ng Baguio.
Maging ng sumiklab ang pananalasa ng COVID-19 sa Baguio ay napanatili na ng grupo ang kanilang pagsisikap na sumuporta sa pamahalaang lungsod ng Baguio, sa pamamagitan ng mga boluntaryo at donor ay dito nakalikha ng kusina para sa pamayanan na nagsilbing serbisyuhan bigyan ng makain at inumin ang mga frontliners at health workers na gumaganap sa kanilang mga tungkulin.
At ang pinakasikat na kilalang Lone Filipina contender ng “The Apprentice: ONE Championship Edition” na si Cordilleran Lara Pearl Alvarez
Si Alvarez na kabilang sa pangkat ng etniko ng Ibaloi at Kalanguya, ay nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagiging single mom na may isang sanggol matapos nawalan ng trabaho bilang isang accountant sa isang hotel at sa kanyang negosyo sa pagbibigay ng mga gulay sa mga establisyemento ng hotel sa panahon ng pandemya, subalit ng kalaunan ay napili bilang isa sa 16 na kalaban sa paligsahan sa internasyonal, na sinabi niyang malaki ang naitulong sa kanya bilang isang tao at isang babae.
“This is a step for me as a single mother to change the life of my family and my son especially during this pandemic that I lost my job, I lost my business, I lost my source of income and I am glad that the opportunity of being a contender in an international scene changed my life big time,” ani Alvarez
Sa kanyang makabagbag-damdamin na mensahe ay marami ang pinahanga niyang kababaihan na kahit isang babae lang na mahina ay napapalakas nito ang kanyang loob sa pamamagitan ng may malinis na hangarin, katapatan, tiwala sa sarili at pagsisikap mamuhay na may pananampalataya sa Diyos. Mario Oclaman /FNS