Limang batch ng TUPAD payout, 8,390 beneficiaries ang natulungan sa Benguet

La Trinidad, Benguet – Tatlong munisipyo sa Benguet ang kahuli-hulihang tumanggap ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) ang emergency program ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong ika-22 ng Disyembre 2021, nauna rito ang Tuba na may 859 beneficiaries, Itogon (Tuding) ay 893 beneficiaries at ang La Trinidad naman ay 1,319 beneficiaries na ginanap sa Benguet Sports Complex, Wangal, La Trinidad, Benguet.
Ang naturang TUPAD payout ay binigyan ng allocation ni Benguet Caretaker Congressman Eric Yap para sa Benguet na pinanidigan niya at naniniwala na marami sa mga kababayan ang mga nawalan at na displaced sa trabaho ang iba ay kahit na may trabaho ay naibilang rin sa disadvantage workers, kaya mula noong nakaraang taon na nag assume si Yap na caretaker sa Benguet ay ginawa na niya agad na pondohan ang TUPAD noong last year na hanggang sa seven batch, at ngayon Disyembre ay (5) Limang batch na naman ang na allocate nito para sa 13 munisipyo ng Benguet, nauna noong December 15 ay ang munisipyo ng Kibungan na may 391 workers, Kapangan-595 workers at Tublay-414 workers, December 16 ay ang Kabayan-529 workers, Bokod-460 workers, Itogon (Loacan)-136 workers, December 17 ay sa Mankayan na may 824 workers, Buguias-832 workers, December 21 ay Bakun na may 391 workers, Atok-443 workers, at ang Sablan na may 304 workers na ito ang huling TUPAD payout para sa taong 2021.
Ang TUPAD ay hindi isang ayuda lang na tulad ng SAP ito ay kailangan trabahuin ng isang recipients sa loob ng 15 days na may apat na oras sa isang araw, depende sa barangay kung ano ang ipagawa sa nasasakupang barangay na makatulong para sa beautification at serbisyo sa komunidad na ang nag monitor dito ay ang barangay officials, bawat isang trabahador ay may sahod na P350, sa 15 days na pagtrabaho ay may kabuuan na matatanggap ang bawat beneficiaries na P5,250.
Bilang mga pay master ay pinangunahan ni Benguet Congressman Eric Yap ang TUPAD payout, kasama sina Benguet Governor Melchor Diclas, Vice-governor Johnny Waguis, La Trinidad mayor Romeo Salda at Vice-mayor Roderick Awingan.
Sinaksihan at nagbigay ng mensahe naman si Director Nathaniel Lacambra ng DOLE-RO I para sa pagpapausad ng TUPAD na isang programa na tulong ng Department of Labor and Employment sa mga nawalan ng trabaho.
Samantala, Ipinakilala naman ni Yap ang sumusuporta sa UNITED BENGUET Party na kabilang sa senatoriables na kung saan ay nakita at nagpatunay na nakatulong sa Benguet, ito ay sina Former Chief PNP Guillermo Eleazar na nagkaloob ng 15 Mobile Patrol cars sa Benguet, at si Former DPWH, Secretary Mark A. Villar na nakapagbigay ng tulong rin sa Benguet tulad ng pagpapatayo ng gymnasium sa Wangal na naglaan ng P25 milyon, at may karagdagan pang P50 milyon bago ito nag-retire, at maging ang oval sa Sports complex ay nilaanan rin ng pondo na P165 milyon at para maging Olympic size ang oval ay dinagdagan pa ito ng P300 milyon para makumpleto na sa taong 2022 ang proyekto.
Inaasahan ni Yap, na ang mga mapagkakatiwalaang tao na tumulong sa Benguet ay mas mabibigyan ng prayoridad ang mga kababayan nito kung magkakaisa ang United Benguet leaders at suportahan ang mga kapanalig sa senatoriables sa darating na halalan sa May 9, 2022 National and Local election. Mario D. Oclaman /FNS