Launching of first outlet Valley Bread Café in Baguio City
BAGUIO CITY – (August 16, 2022) – Naging matagumpay ang isinagawang paglulunsad ng pinakaunang outlet ng Valley Bread Café na matatagpuan sa Centermall, Magsaysay, Baguio City.
Bagama’t nasa kasagsagan pa rin tayo ng pandemiya ay may mga negosyante pa rin ang nagsisikap na tumutulong para tumaas ang ating ekonomiya sa lungsod maliban diyan ay nakatutulong rin sila na magkaroon ng hanapbuhay ang mga walang trabaho.
Sinabi ni Judy Mae Padeo – General Manager ng Valley Bread Café Centermall , “isang magandang opportunity dahil ito ay first outlet na nagkaroon dito sa Baguio City at nasa magandang workplace rin ito dito sa tabi lang ng Centermall na madadaanan ng mga giliw namin suki at sa mga estudyante itong nalalapit na pasukan.”
“Ini-expect natin ay upon serving pa rin yun mag stick tayo sa mission and vision ni Valley Bread bakery which is to provide perfect bakery, perfect bread and then para makita natin all walks of life, kaya nga pag nakita niyo yun nangyari sa Valley Bread usually caters yun availability at the same time nag diversify para ma improve natin yun ANB market kasi yun vision ng companies to keep your all walks of life,
“Continues pa rin yun mga products natin like yun cinnamon, spanish bread kung mapapansin niyo ngayon mas pinalaki, ini improve talaga hindi yun nag stagnant, pina-extend namin yun process ng bread clean label at yun Premium loaf natin ay hinabaan yun fermentation process kaya mas malambot na ang mga loaf ngayon,”
“Ang naging challenge natin ay yun nag increase ang mga raw materials mapapansin natin na hindi nagiging consistent yun mga quality kaya may time na pinalitan rin namin ang mga raw materials dahil pag hindi maganda ang ang ani ng ube of course maapektuhan yun quality ng ibang products so we are trying to improve yun process na talagang magugustuhan ng mga kostumer,”
“Tumaas ang presyo ng sugar at harina kaya nag price increase rin kami this month of August lang,” pagtatapos ni Padeo.
Ayon naman kay Nicolo Espadero –supervisor at nangangasiwa sa Valley Bread Café, “sinisikap pa rin namin na mas lalong ma satisfy ang mga kostumer dahil ang concept nitong café ay may mga product na nadagdag na tunay na pinasarap lahat ng klase ng cakes, pastries at breads, bale ang mga staff dito sa Café outlet ay may 14 na crew na shifting at ang benefits na maibibigay naman natin sa mga kostumer ay mga pa promo at discounted price sa mga estudyante,”
Napakasipag at maasahan naman ang pakikipagtalastasan ni Ms Aira Batani sa mga kostumers bilang katuwang na Marketing officer sa Valley Bread Café.
Ang naunang naitayo na Valley Bread Café ay nasa Loy Building, KM 4, La Trinidad, Benguet na kung saan ay nananatili ang pagmimintina nito na maayos ang operasyon ng management. # Mario Oclaman //FNS