KWF, Maglulunsad ng Aklat ng Bayan

KWF, Maglulunsad ng Aklat ng Bayan

Maglulunsad ng Aklat ng Bayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 26 Setyembre 2024, 10:00 nu–12:00 nt sa Bulwagang Romualdez, 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila.

Kabílang sa mga aklat na ilulunsad ay ang Bokabularyong Traylingguwal: English-Hiligaynon-Filipino, leksikograpo, Agnes Dimzon at editor, Alain Dimzon; Tandang Bato: Ang mga Manunulat sa aking Panahon, awtor, Efren R. Abueg; Pagdiriwang sa Haraya: Ang Panulaan at mga Aklat ng Impormasyon para sa mga Bata, awtor, Eugene Y. Evasco; Mga Meditasyon hinggil sa Unang Pilosopiya, awtor, René Descartes, tagasalin, Emmanuel C. de Leon; Ang Berdugo at mga Piling Kuwento, awtor, Honoré de Balzac, tagasalin, Aileen V. Sicat; Margosatubig, awtor, Ramon L. Muzones, tagasalin, Agnes Dimzon; Kalipunan ng mga Akdang Dulang Mindanawon, mga awtor: Felimon B. Blanco, Rene V. Carbayas, Arthur P. Casanova, Angelito G. Flores, Arnel M. Mordoquio, Sunnie C. Noel, at Pepito P. Sumayan, editor: Arthur P. Casanova; Maka-Pilipinong Pananaw: Mga Lapit sa Pagtuturo ng Panitikan, editor, Alvin B. Yapan.

Ang paglalathala ng mga publikasyon ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bílang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik. (PR)

Para sa iba pang detalye, tanong at paglilinaw, maáaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon (SIP) sa email na publikasyon@kwf.gov.ph.

PRESS RELEASE