KWF, Isinagawa ang Balidasyon hinggil sa wika ng mga Katutubong Agta

KWF, Isinagawa ang Balidasyon hinggil sa wika ng mga Katutubong Agta

Isinagawa noong 15–18 Abril 2024 sa Brgy. Villa Espina, Lopez, Quezon at Brgy. Bacong, Alabat, Quezon ang balidasyon hinggil sa wika ng mga katutubong Agta. Iniharap ng mga kawani ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika ng KWF sa pinuno at mga kasapi ng pamayanan at mga kawani ng NCIP Catanauan Community Service Center ang resulta ng isinagawang pangangalap ng datos noong Oktubre 2023.

Layunin ng proyektong balidasyon na maiwasto at maisapanahon ang mga impormasyon hinggil sa tinatayang 135 katutubong wika ng Pilipinas. (PR) 

PRESS RELEASE