Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino muling idinaos, tungkol sa Pagtugon sa Hating Kultural

Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino muling idinaos, tungkol sa Pagtugon sa Hating Kultural

Los Baños, Laguna – Muling idinaos ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ang pambansang kumperensiya nito sa pamamagitan ng zoom na platform ngayong Nobyembre 22 at 23. Nagsimula ang Ika-48 na Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino sa ritwal ng pagbubukas, pambungad na pananalita ni Jhoylan Francis Fornillos, pagpapaliwanag ng layunin ni Darwin Rungduin at pagpapakilala sa mga kalahok ni Glenmark Villanueva.

Ang unang plenaryong sesyon ay binigay ng susing tagapagsalita si Dr. Jose Antonio Clemente ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, nilahad niya ang susing panayam na may pamagat na “Tungo sa Ugnayan at Buhay na may Dignidad: Ang Papel ng Sikolohiyang Pagtatagpi ng mga Pagkakahati.” Sa unang araw, Nobyembre 22. Habang ang ikalawang sesyon naman ay galing kay Dr. Zhanina Custodio ng Pamantasang Normal ng Pilipinas tungkol sa Pagpapatibay ng Inklusibong Edukasyon: Ang papel ng Sikolohiyang Pilipino sa Pagharap sa Kultural na Hati.

Samantala, nagkaroon ng tatlong sabayang sesyon ang unang araw at dalawang sesyon sa ikalawang araw na may tiglimang paksain kagaya ng pakikibahagi at pakikilahok; kultura, lipunan at pananampalataya; penomonolohikal na pag-aaral; pagpapatawad at ginhawa at pagsasalin at panukat. Dagdag pa, mayroong mga piling symposium ang bawat sabayang sesyon tulad ng mga sumusunod: impluwensya ng pagbabago ng klima at ekolohikal na emosyon; pangkat kalutang bilang buhay na dunong; kultural na lapit sa pag-aaral ng karanasan ng mga Pilipino; Sikolohiyang Pilipino ng pagpapakatao at anya ti North?

Ngayong taon ay inihahandog ng PSSP ang kumperensiya kaagapay ang Departamento ng Agham Panlipunan ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Pasasalamat sa Center for Educational Measurement, Inc at Pandayan Bookshop. Nag-aanyaya ang PSSP sa pagsasanay para sa mga sa guro at sikolohista sa darating na Nobyembre 26 na “Reading beyond the Lines” Discovering Talent in Every Reader. Gayundin, may panawagan sa papel para sa DIwa. Isang refereed, libre at open-access na e-jurnal ng PSSP hanggang Enero 15, 2025 ang Diwa 9 habang sa Enero 31 naman ang kasunod na deadline para sa Diwa 10. May bagong libro din ang PSSP. “Ang Ginhawa bilang Hangarin at Balangkas” sa paglikha ng mga Mapagkalingang Unibersidad. Sa pagpatnugot nina Dr. Violeta Bautista at Dr. Divine Love Salvador.

Ang PSSP ay isang panlipunan at propesyonal na organisasyon itinatag noong 1975 sa pagpapasimuno ni Dr. Virgilio Enriquez, may  layuning isulong at itaguyod ang Sikolohiyang Pilipino bilang disiplina at kilusan para sa makabuluhan at makatarungang pag-aaral. Buhat pa noong 1975 ay walang patlang na ang mga pambansang kumperensiya liban noong 2020 dahil sa pandemic, tinuloy noong 2021 sa pamamagitan ng online na platform. # Randy T. Nobleza

PRESS RELEASE