Kick-off basketball tournament for night workers
BAGUIO CITY – Ilan sa mga empleyado ng establisyimento sa pang-gabi ang napagkasunduan para magsagawa ng isang Inter-Bar Night establishment baketball tournament.
Pinamunuan ito ni Kagawad Rey Orbello ng Upper Magsaysay barangay at Vice-President ng B.A.B.E.S Nightspot Bar establishment.
Ginanap ang pagbubukas ng tournament sa Saint Vincent Gym noong ika-7 ng Hulyo, 2022 na kinabibilangan ng (9) Siyam na team mula sa Big Star, Albertos, BCS, Baguio Angels, Club Myles,Pharazuz, Shellas, Wild West at ilang Taxi Driver.
Ipinakilala ang mga team kasama ang mga muse, ganun rin ang mga referee na sina Dennis Jardines, Eric Dulay, Erwin Dulay at Christopher Zabala.
Sa isang panayam kay Kagawad Orbello, “Itong samahan namin mga night worker ay nagkaisa para magsagawa ng Inter-Bar night establishment basketball tournament para magkaron kami ng camaraderie ang tiwala ng bawat isa at pagkakaibigan sa isang grupo ng mga empleyado na karaniwang magkakilala sa loob ng mahabang panahon o dumaan sa ilang uri ng karanasan nang magkasama tulad ng halos mahigit dalawang taon tayo tinamaan ng pandemiya dahil sa COVID-19, kaya ito na ang pagkakaton para naman makapag ehersisyo ang katawan natin at higit sa lahat ay upang mailayo tayo sa ipinagbabawal na gamot,”
“Naka schedule na sana kami noong 2020 na magpa tournament kaso hindi naman natin inaasahan ng ganun, bigla na lang ang bilis ng paglaganap ng pandemiya kaya hindi na natuloy at ito ngayon sana magtuloy-tuloy na ito,”
“May mga taxi driver tayo nakiusap na sumama dahil ang mga driver na ito ay yun mga nagtrabaho rin noon sa Bar establishment kaya isinama na rin namin sila,”
“Sa mga kasamahan namin sa bar establishment na hindi nakasama ay inaasahan namin ang inyong pagsama sa susunod na tournament at sana yun mga legal na worker lang, walang huhugot sa labas kasi kawawa naman yun ibang kasamahan natin na hindi makakapaglaro, imbes na para sa kanila itong Liga e, hindi na dahil napupunta sa mga hugot sa labas, kaya sana sa next na conference namin ay solid night workers na ang makakasama namin,”
Ang tournament na ito ay inisyatiba ng bawat team, nag ambag kami sa lahat ng gastos mula sa rent ng gym, referee at cash prizes at trophy,”
Ang mapapanalunan ay mula sa champion, first prize at second prize at may isang pipiliin na Most Valuable Player,” ani Orbello. Mario Oclaman // FNS