KAPULISAN NG CORDILLERA NAGSAGAWA NG “BISIKLETA IGLESIA 2023”
BAGUIO CITY – Aktibong nakiisa ang Police Regional Office ng Cordillera sa nationwide simultaneous kick-off ceremony ng “Bisikleta 2023” bilang bahagi ng pinaigting na security coverage sa pagdiriwang ng Semana Santa noong Huwebes Abril 6, 2023.
Nagsimula sa Melvin Jones Ground ang “Bisikleta Iglesia Patrolling” na pinuntahan ang pitong ruta ng simbahan at nagtapos sa Our Lady of the Pillar Chapel-Casiciaco Recoletos Seminary sa Asin Road na kung saan ay tinapos ang 12 kilometro na distansyang nilakbay.
Pedal at kapangyarihan ng panalangin ang ibinahagi ng BAGUIO’s FINEST para sa paghahanda at mabigyan ng seguridad ang kaligtasan ng lahat lalo na sa inaasahan natin pagdagsa ng bisita dito sa lungsod at karatig probinsiya ng Benguet.
Ang naturang ceremony ay pinangunahan ni PMGEN EMMANUEL B. PERALTA, The Director for Operations (TDO), kasama sina PROCOR Regional Director PBGEN DAVID K. PEREDO JR., PCOL JULIO LIZARDO, Chief Regional Staff (CRS); PCOL BYRON TEGUI-IN, Chief of Regional Community Affairs and Development Division (RCADD); BPPO Provincial Director PCOL DAMIAN D. OLSIM at BCPO City Director PCOL FRANCISCO B. BULWAYAN JR.
May kabuuang 120 pulis mula sa BCPO na may (38) bikers, sa Benguet PPO, Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15), Regional Headqurters, at Regional Support Units personnel ang nagpakita ng suporta na lumahok sa nasabing aktibidad.
Layunin ng aktibidad na pahusayin ang presensya ng mga pulis sa iba’t ibang simbahan at lugar ng convergence at isulong ang physical fitness at environmental awareness sa pamamagitan ng paggamit ng mga bisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon. Mario Oclaman // FNS