Kalipunan ng mga kababaihan ng Baguio ipinagdiwang ang United Nations Day  

Kalipunan ng mga kababaihan ng Baguio ipinagdiwang ang United Nations Day  

Lungsod ng Baguio – Sa isang tampok na pagtitipon ng kalipunan ng mga kababaihan ng Baguio (Baguio Federation of Women’s Club) na ginanap sa New Town Hotel noong October 25, 2024 upang ipagdiwang ang United Nations Day na pinangunahan ni Fedaration President Chit Borja.

Nagsama-sama ang mga kababaihang lider, kinatawan mula sa iba’t-ibang barangay na kinabibilangan ng Alfonso Tabora, Camp 8, City Camp Proper,Dominican Mirador, Queen of Peace at Salud Mitra na kung saan ay nagkakaisa sa kanilang ibinahaging pangako sa mga prinsipyo ng kapayapaan, katarungan at pagkakapantay-pantay,

Dinaluhan ito nina Mayor Benjamin Magalong bilang espesyal na panauhin, Baguio Tourism Council Chairperson Gladys Vergara at Ginang Sol Go na nagpahayag ng kani-kanilang mensahe at binigyang diin ang suporta ng lungsod para sa mga hakbangin ng Federation.

 Ang Tagapangulo ng BTC na si Gladys Vergara ay naghatid ng isang makapangyarihang keynote speech na nagha-highlight sa mahalagang papel ng kababaihan sa pagpapaunlad ng pagkakaisa at katatagan. Sa kanyang lokal na diyalekto, binigyang-diin ni Vergara ang kahalagahan ng pagbibigay-kapangyarihan ng kababaihan, na nagsasabi. Kada tayo nga babbai, napateg nga ammo tayo ti kinapigsa ken pammati ti kababaihan iti komunidad ken iti amin a lugar. Ammuen tayo a ti babbai ket isu ti mangiturong iti nasayaat nga biyag ti pamilya ken komunidad. No agkaykaysa tayo, kaya tayo nga mangaramid ti nasayaat a lubong,”

(“Bilang kababaihan, alam natin ang kahalagahan ng lakas at paniniwala sa ating mga tungkulin sa loob ng komunidad at higit pa. Ginagabayan natin ang ating mga pamilya at komunidad tungo sa mas mabuting buhay. Nagkakaisa, makakalikha tayo ng mundong puno ng kabutihan at pag-asa.”)

Naghandog naman ng isang awitin ang kandidatong para konsehal na si Glenn Gaerlan na pinamagatang The Impossible Dream na kung saan ito ay sumasalamin sa tema ng Katatagan.

Ang di-malilimutang pagdiriwang ng Araw ng United Nations ay nagbigay-diin sa pangako ng Baguio Federation of Women’s Clubs na itaguyod ang misyon ng UN, na nagtataguyod ng kapayapaan, katarungan, at nagkakaisang kinabukasan para sa lahat. ### Mga larawang kuha ng GV – Glad to serve you

Mario Oclaman