Kalinga PPO conducted Outreach Program and Medical Mission

Kalinga PPO conducted Outreach Program and Medical Mission

Isa na namang outreach program at medical mission ang matagumpay na naisagawa ng mga kapulisan sa Sitio Cabugao, Brgy Pangol, Tanudan, Kalinga.

Sa ilalim ng kanilang programa na “Kalinga PPO Cares, Kalinga PPO Shares,” ang mga kapulisan ng Kalinga PPO ay nakipagsanib pwersa sa Regional Medical and Dental Unit – Cordillera (RMDU-COR), Kub-aron Pharmacy, RSK Clinic, at kay Dra. Aira S Gammod ng Kalinga Provincial Hospital upang maipaabot ang kanilang serbisyo medikal sa nasabing liblib na sitio.

Ayon sa report ng RMDU-COR, sa kabuuan ay nakapagsagawa sila ng limampung (50) medical consultation, tatlumpu’t dalawang (32) circumcision, at nakapamahagi ng mga vitamins para sa isang daan (100) kabataan sa nasabing lugar.

Bukod dito, naghandog din sila ng libreng gupit sa tatlumpu’t limang (35) residente at nakapagbahagi ng mga school supplies sa isang daang (100) mag-aaral.

Dalawang daang (200) kabataan naman ang nakilahok sa isang feeding activity na kanilang isinagawa. (PROCOR-PIO)

PRESS RELEASE