Kailangan ng pagtutulungan sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya ng Itogon – Palangdan

Kailangan ng pagtutulungan sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya ng Itogon – Palangdan

Itogon, Benguet   –  Sariwa pa rin sa isipan ni Itogon Mayor Victorio Palangdan ang pangyayari ng rumagasa ang malakas na bagyong Ompong na kumitil ng Isangdaan tao at karamihan ay mga minero noong Setyembre ng 2018.

Sa panayam ng Filipino News Sentinel sa alkalde ay malungkot na inamin nito na hindi lang sa pandemiya ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng Itogon kundi ito ay dahil sa bagyong Ompong ng maganap ang landslide sa lugar na kung saan isinasagawa ng small-scale mining, at dito nagkaroon ng pagdeklara si Pangulong Duterte na ipahinto ang mga operasyon sa pagmimina, matapos na pinasuspende ni Environment Secretary Cimatu ang Small-Scale mining sa buong Cordillera.

Sinabi ni Palangdan, โ€œtalagang bumagsak ang ekonomiya ng munisipyo, unang-una itโ€™s not the pandemic that stop our small scale miners it was the typhoon Ompong that caused the president of the Philippines and secretary of DENR to declare the whole Cordillera, declare the stoppage order in the whole Cordillera of the small- scale mining so, nahirapan ang mga tao, ngayon na naman na may pandemic the more small-scale miners cannot do their usual livelihood kaya lubhang bumagsak ang ekonomiya ng munisipyo namin, may mga big mining company naman na tumulong pero hindi yun direct needs of the people, kaya napapanahon na kailangan natin ang pagkakaisa na magtulungan upang makabangon tayo alam natin na malaki pa ang pag asa natin makabangon dahil mayaman tayo sa natural resources na alam natin ito ang makakatulong sa atin at sana gamitin natin sa tama,”

โ€œKamakailan lang ay personal ako pinuntahan ni Congressman Yap at nagsabi siya kung ano ang mga pangangailangan na puwede namin ilapit sa kanya ay handa naman siya tumulong, pero for the meantime ay susuriin at pag-aaralan pa namin kung ano ang mga dapat namin ilapit,โ€ ani Palangdan FNS / Mario Oclaman

Mario Oclaman