KABALIKAT CIVICOM TRAINERS ON BASIC LIFE SUPPORT

KABALIKAT CIVICOM TRAINERS ON BASIC LIFE SUPPORT

Labis na nagpapasalamat si KABALIKAT CIVICOM (Kafagway Base) Trainer Basilides G. Alegre III sa kanyang natanggap na Certificate of Recognition mula sa Loacan National High School na pinamunuan ni School Principal Daniel D. Peredo matapos magturo ng School’s Mid-year Inset on Skills Training and Occupational / First Aid training sa mga teachers noong January 31 at February 2 -4, 2022 sa Loacan National High School, Purok 1, Loacan, Itogon, Benguet.

Sa pangunguna ng mga officers ng KABALIKAT CIVICOM na sina Head Leonardo M. Sambas at ang President na si Joseph Mondejar bilang Resource Speaker ay nagbigay ng kanilang mensahe.

Kasama rin ang dalawang magigiting na Medic Trainor na sina Lope Cheng at Tito Qinsayas Jr.

Karangalan ng KABALIKAT CIVICOM na nabigyan sila ng pagkakataon maturuan ang mga guro upang ito ay kanilang magamit sa oras ng pangangailangan o layuning pang-emergency at maaari rin nila maituro sa kanilang mga estudyante kapag maipahintulot na ang face-to-face classes. Β Mario D. Oclaman / FNS

Mario Oclaman