Joint Clean-up drive of Barangay officials and TUPAD workers in Central Bakakeng
Central Bakakeng, Baguio City – Pinangunahan ni Punong Barangay Dan Daniel, Barangay officials tasks volunteer at nakasama rin ang TUPAD workers sa pagsasagawa ng Clean-up drive sa Centra Bakakeng barangay noong March 25, 2022.
Nahati sa dalawa ang grupo upang mapabilis na malinisan ang water waste sa creek sa mga Purok at kasabay rin na pagpapaalala ni Kagawad William G. Palicos – Chairman Committee on ESWM & Tourism sa mga residente na iwasan ang pagtapon ng basura sa ilog at panatilihin malinis ang kapaligiran, nagkabit rin ng mga tarp na pagbabawal magtapon ng basura sa mga ilog.
Sa panayam ng Filipino News Sentinel kay Kagawad Stephen C. Miranda – Barangay Employment Service Office, (BESO) officer at In-charge sa TUPAD, ”Itong isinasagawang regular Clean-up drive ng barangay ay once a month at dahil ngayon ang last day ng mga TUPAD workers ay isinama na namin sila pinuntahan namin ang hindi pa napuntahan ng mga TUPAD workers na ito ang mga creeks sa mga Purok,”
“Nabigyan ng pagkakataon ang 50 TUPAD workers na makapagtrabaho sa barangay ng Central Bakakeng ng 15 days nagsimula noong March 11 hanggang March 25, apat na oras lamang ang pagtatrabaho ngunit kailangan tapusin ang kanilang trabaho kung saan sila nai-assign na area,”
Ang minimum rate per day ng worker ay P350 at ang kabuuan ng 15 days ay makakatanggap ang bawat isa ng P5,250 ngunit ito ay idadaan pa sa proseso na aabutin pa within a month ayon sa DOLE-CAR.
“Tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap at serbisyo ng DOLE-CAR sa mga nawalan ng trabaho at inaasahan na may mga susunod pang batch ng TUPAD kahit sa panahon nitong election.” Pagtatapos ni Kagawad Miranda. Photos by: Mario D. Oclaman //FNS