Jerome D. Ignacio, Wagi  sa Pagsulat ng Dulang Tandem/Dou ng Dula Táyo 2024

Jerome D. Ignacio, Wagi  sa Pagsulat ng Dulang Tandem/Dou ng Dula Táyo 2024

Nagwagi si Jerome D. Ignacio sa Pagsulat ng Dulang Tandem/Dou ng Dula Táyo 2024 ng

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) pára sa kaniyang dulang “Ang PTC” at makatatanggap siyá ng PHP10,000.00 at plake.

Nagwagî din si Mark Norman S. Boquiren ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang dula na “Window Period” at makatatanggap siyá ng PHP7,000.00 at plake.

Hinirang naman si G. Ivan Jetrho Mella sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang dulang “Lupang Ninuno” at makatatanggap siyá ng PHP5,000.00 at plake.

Si Jerome ay nagtapos ng AB Humanities at BFA Theater Arts sa Ateneo de Manila University noong 2016 at nagtapos naman ng MA Panitikang Filipino sa parehas na Pamantasan noong 2022. Siyá ay kasalukuyang nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Ateneo de Manila University Junior High School. Nakapagsulat na siyá para sa Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining, at Kulturang Pilipino.

Ang Dulang Tandem/Duo ay tawag sa anyo ng maikling dula na may iisang yugto, tagpuan, tunggalian, at isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Tinatawag itong Dulang Tandem/Duo dahil umiikot lámang ang kuwento sa mga diyalago ng dalawang tauhan.

Ito ay timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Wika.

Pakikiisa ito ng KWF sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous

Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (sa ilalim ng

UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center. (PR)

PRESS RELEASE