J.P. Morgan pinabulaanan ang maling ulat ukol sa pagbagsak ng Pinas sa listahan ng ASEAN investment

NILINAW ng American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian matapos ang landslide victory ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa katatapos na eleksyon nitong Mayo 9.

Sa isang pahayag, nilinaw ni Patricia Anne Javier-Gutierrez, Executive Director, Philippines Heads of Communications, J.P. Morgan, na mali ang ulat ng ilang media na ang pagbagsak ay dulot umano ng resulta ng eleksyon.

“Our views on the Philippines are driven by long-term global and local macroeconomic fundamentals, and not by election results or outcomes in general,” ani Gutierrez sa pahayag.

Nagbigay ng paglilinaw ang J.P. Morgan matapos kumalat ang ulat sa mga kaalyadong media ng kampo ni Leni Robredo, na ang pagbagsak umano ng Pilipinas ay bunsod ng pagkapanalo ni Marcos.

“As stated in our May 8 Philippine Strategy report, we think the Philippines faces a challenging macroeconomic outlook post-2022 regardless of the outcome of the May 2022 presidential elections,” ayon sa pahayag.

Iginiit pa ng J.P. Morgan na ang kanilang pahayag ay isinagawa bago pa lumabas ang resulta ng halalan kaya agad silang nagpadala nang paglilinaw sa media.

“We further say in our report that re-opening benefits are expected to underpin strong 2022 GDP and earnings growth but this benefit will likely wane in 2023, underscoring the macro challenges faced in the future,” dagdag pa ng pahayag.

PRESS RELEASE