Itinalagang bagong NBI Regional Director sa Cordillera pinakilala sa media
BAGUIO CITY – (August 25, 2022) -Nabigyan ng pagkakataon makaharap ng media ang bagong naitalagang NBI-CAR Regional Director na si Atty. Janet M. Francisco at ARD Atty. Joel Tubera sa bureau na kanilang tanggapan kaninang umaga (Thursday).
Nagpasalamat si NBI-CAR Regional Director Atty. Janet M. Francisco at ARD Atty. Joel Tubera kay NBI Director Medardo de Lemos sa opportunity na naitalaga sila sa Cordillera Administrative Region at naniniwala sila kasama ang mga agents na maisasakatuparan nila ang mga plano at mga programa ni NBI Director De Lemos.
Pinagmalaki ni RD Francisco ang mga agent sa Cordillera na kung saan ay mga performers at ang Region nito anya ay makailang ulit ng naging best Region na ni- recognize ng management ng NBI .
Ayon kay RD Francisco, ”So far upon evaluation ng mga existing cases ay napansin nila na medyo tumataas yun incidence ng mga investment scams tulad ng mga large scale estafa also yun mga drug cases and with respect naman sa mga human trafficking cases, prostitution gusto namin na I- agent ni ARD Tubera na mai-intensified ang efforts na ito, dahil may mga information kami natatanggap na meron mga human trafficking na nangyayari dito sa region, pati na rin ang mga rape cases within the CAR na medyo tumataas na rin ang incidence dun kami magpo pokus but, of course lahat naman ng kaso kahit malaki, kahit maliit sisiguraduhin namin na ma-aksiyunan kaagad with the help of the different government agencies at mga stakeholders, masolusyunan namin kaagad at yun corresponding criminal cases ay ma file namin sa prosecutor’s office,”
“As of this day wala pa kami nare-received na complaints or information dito sa tanggapan namin sa NBI, but we will be gladly welcome na lahat ng information na matatanggap namin at we will direct all agents na mag gather ng intelligence information to verify yan mga ganyan information na kung totoo nga na may mga batang kinikidnap, kasi sa Manila nakikita ko sa news na may mga batang kinikidnap, pinapatay at kung may ganitong klaseng incidence sa CAR, rest assured kikilos kami kaagad,”
“As the previous of anti-human trafficking division at focal person ng Bureau ako yun dating in-charge sa pagti-train or pag gawa ng programa ng bureau to support human trafficking so, nung nag evaluate kami ni ARD nakita namin na may pangangailangan na mai- train din yun mga agent ng pag iimbestiga ng online sexual exploitation of children at dahil dito ay ino-organize na namin ang trainings nila as soon as possible, nakausap ko na yun mga dating kasamahan sa anti-human trafficking division at sila ay pupunta dito together with the other trained, agents ng bureau para mai-share nila yun mga kaalaman na nakuha sa pag-iimbestiga ng online sexual exploitation of children,”
Apat na araw pa lang kami nag assumed ng office dito sa bureau kaya sa mga particular case please give me time para mai-update ko ang mga katanungan niyo,”
“Nasa process pa lang kami ng pag e-evaluate ng mga existing cases dito sa CAR at meron pa mga turnover ng mga documents accountabilities,”
Nais ni RD na magkaron ng ugnayan ang media sa bureau para sa isang paraan na makatulong sa pagpapalabas ng mga balita na kanilang naisasagawang operasyon ngunit anya may mga pagkakataon rin na hindi makasama ang media kung may operasyon na sagupaan o nagbabarilan na. # Mario Oclaman //FNS