Independence Day Flag Ceremony Program in SM City Baguio

Independence Day Flag Ceremony Program in SM City Baguio

BAGUIO CITY – Isinagawa ang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa harap ng Flag pole ground ng SM City Baguio.

Pinangunahan ng Phiippine Military Academy (PMA) Cadet at Officers, empleyado,  Frontliner Security  personnel ng SM City Baguio habang ang Marching band ay nagsimula sa pagtugtog at sabay na inawit ang Lupang Hinirang, at ang pagpanata sa Panatang Makabayan.

Sa mensahe ni Assistant Mall Manager Michael Jason Peña ay ipinaalala nito sa bawat Filipino na ang kasaysayan ng Araw ng Kalayaan ay napakahalaga na kailangan natin ipagdiwang at magbigay pugay sa watawat ng Pilipinas, isaalang alang ang kahalagahan nito sa ating mga puso.

“Maging sa pang araw-araw nating pamumuhay, ang watawat ay higit sa pirasong tela na puti, pula, dilaw at asul ito ay sumasagisag sa ating mga pangarap at mithiin, kalakip nito ang mga sakripisyo, katapangan, katapatan at karangalan ng mga Super Pinoy noon na nagbuwis ng buhay at sa mga makabagong Super Pinoy na patuloy na nagsasakripisyo upang mapanatili at mapagyaman ang kalayaan at kasaganahan tinatamasa natin sa kasalikuyan, tayo ay malaya ngayon dahil lumalaban ang ating mga ninuno sa mga mananakop , Isang daan at dalawamput limang taon na ang nakakalipas, nawa’y magsilbing ito paalaala at patuloy natin na mahalin ang ating Inang Bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karangalan sa mga bayaning nagtatanggol sa ating kalayaan,”

“Sa mga susunod na Linggo magkakaroon tayo ng iba’t-ibang aktibidad kung saan ang ating itatanghal ang Pinoy Pride,”

“Hinihikayat namin ang pakikiisa ng lahat sa mga aktibidad na ito bilang pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan, bilang isang sambayanan,” pagtatapos ni Peña.

Sa pagbabalik-tanaw naman ang ibinahagi ni SM Baguio Mall Manager Rona Vida Correa sa mga nagawa ng ating mga bayani na nagsakripisyo noong kasagsagan ng pandemya.

“We want to commemorate or look back on the hardships of our heroes and not only the heroes from then but also in the present, as we continue our transition from the pandemic, we are lucky during the pandemic. we have nurses, doctors, security personnel, and military forces who really went through that very difficult time, and as we continue and as a transition, as we move up I know and we are confident that we will achieve freedom by being patriotic,” Correa said.

The celebrations are simultaneously conducted by SM Supermalls last June 12, 2023. With the theme “Kalayaan 2023: Kalayan, Kinabukasan, Kasaysayan,”   Photos by: Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman