Ilang Senador pinondohan ang pasilidad ng BGHMC
BAGUIO CITY – (May 17, 2024) – Binisita ng ilang senador ang Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC) kung saan pinondohan ang P605 milyong halaga ng mga kagamitan at pasilidad. Naging possible ito sa pakikipagtulungan ng mga kasamahan sa senado na pinangunahan ni Senator Sonny Angara kasama sina Senate President Migz Zubiri, Senate Pro Temp Loren Legarda, Sen. Bong Go at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa ribbon cutting tagumpay na pinasinayaan ang Linear Accelerator Bunker sa BGHMC Cancer Center at ocular na ginagawang Trauma Center, (Litrato mula sa kaliwa) Ricardo B. Runez head ng BGHMC, Mayor Benjamin Magalong, Senator Ronald Dela Rosa, Senator Sonny Angara at Congressman Mark Go
Labis ang pasasalamat nina Go at Magalong sa pinagsikapan mailaan ang budget initiatives sa ospital na kinabibilangan ng mga sumusunod:
2022 General Appropriations Act
Construction of Multi-Specialty Center – 126M
Renovation of Isolation Bldg – 37M
CT Scan for Trauma Center – 70M
Radio Fluoroscopy Machine for Trauma Care Center- 30M
Extracorporeal Shockwave Lithotripsy for Renal Care and Transplant Center – 42M
Total: 305M
2023 General Appropriations Act
Construction of BGHMC Cancer Center – 100M
Purchase of Linear Radiator Machine for the BGHMC Cancer Center – 200M
Total: 300M
(Baguio City Public Information Office)