Iba’t ibang sektor sa Pangasinan, natulungan sa dalawang araw na outreach activities ng mga Cayetano

Iba’t ibang sektor sa Pangasinan, natulungan sa dalawang araw na outreach activities ng mga Cayetano

“Malaking salamat po sa naibibigay ninyong tulong sa aming mga magsasaka, Senator Alan at Senator Pia.”

Nagpahayag ng pasasalamat si Lianillo Lopez kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa pag-abot sa 1,000 magsasaka at mangingisda sa bayan ng Aguilar, Pangasinan noong July 8, 2024 bilang bahagi ng kanilang dalawang araw na pagbisita sa lalawigan.

Ang disbursement ng tulong ay naging posible katuwang ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa suporta ni Pangasinan 2nd District Representative Mark O. Cojuangco.

“Pinilit po ng ating mga senador na maabot at magbigay ng tulong sa atin. Makakaasa tayo na masusundan pa ito rito sa ating distrito,” wika ni Cojuangco.

Kinabukasan, noong July 9, marami pang Pangasinenses, kabilang ang mga health workers at mga kababaihan, ang nakinabang mula sa katulad naoutreach activity. May kabuuang 181 benepisyaryo mula sa Dagupan City at 203 mula sa San Carlos City ang tinulungan din ng pangkat ng mga senador.

Ang mga aktibidad na ito ay naging posible sa tulong ni Ms. Khrismae “Mimi” Dy, kawani ni Pangasinan 4th District Representative Christopher de Venecia, at ni San Carlos City Mayor Julier “Ayoy” Resuello.

Ang Barangay Health Worker na si Roda Andongo ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa mga senador sa kanilang dedikasyon sa community development workers, isang sektor na patuloy nilang binibigyang kapangyarihan sa pamamagitan ng kanilang mga programa at batas.

“Maraming salamat po, Senator Alan at Senator Pia, sa ibinigay ninyo po namin lalong-lalo na po at maraming natulungan na maliit lang po ang kinikita,” wika niya.

Sa kabuuan, nakapag-abot ng tulong ang mga senador sa 1,384 residente ng Pangasinan sa kanilang nakaraang pagbisita. Hindi ito ang kanilang unang pagkakataon na magdala ng tulong sa lalawigan dahil nitong taon din, 4,800 residente noong Abril at 2,500 noong June ang kanila na ring natulungan.

Patuloy na nakikipagtulungan ang mga Cayetano sa iba’t ibang ahensya at local government units para maabot ang iba’t ibang probinsya sa buong bansa at makapaghatid ng mahahalagang tulong sa mga nangangailangan. # (PR)

PRESS RELEASE