Human Easel Project is coming to life at multiple venues in the City

Human Easel Project is coming to life at multiple venues in the City

BAGUIO CITY – (February 4, 2024) Nagsama-sama ang ilang batikang local artist ng Baguio sa Malcolm Square upang makiisa sa pagdiriwang ng Art Month ngayon February na kung saan ang Human Easel Project na pinangunahan ng tagapagtatag ng Art Show Philippines na si Frederick Epistola ay nagsagawa ng simultaneous exhibition ng kanilang likha kasama ng ilang international artist sa ibang bansa.

Sa panayam kay Lead Organizer Art Show Philippines Brenda Subido-Dacpano sinabi niya, “Ang Human Easel ay project ito ng Art Show na pinakilala ng founder ng Art Show na si Frederick Epistola na kung saan ay gagamitin ang katawan bilang easel na pagdi-displeyan ng artwork at magkakaroon ito inter action sa public para kung may mga passersby o mga viewers na gustong alamin kung ano yun art na hawak nila ay pwedeng maipaliwanag ng artist nang sa ganun ay nailalapit siya sa hindi masyadong pamilyar dun sa art, usually sa mga museum at galleries ay naka display lang pero ito inilalapit namin sa masa para mas ma appreciate at maintindihan nila yun iba’t ibang klase ng art,”

“Maalala nung kasagsagan ng pandemic taong 2020 ay nagsimula ang Art Show sa online platform na umabot sa 32,000 ang followers hanggang sa ngayon ay tuloy-tuloy ang proyekto naging community art na ito at may libreng mentoring program ng six month parang course ng fine arts dahil marami rin sa mga kababayan natin ang may hilig sa paglikha sa pamamagitan ng kanilang taglay na talento ay tinutulungan namin ang mga aspiring artist at sa pamamagitan ng fund raising na ginagawa namin ay nagagamit ito sa pambili ng mga materials ng mga artist.

Weekly ang exhibit namin nung una sa online at ngayon pwede ng mag face-to-face ay nagdagdag kami ng physical exhibit at ngayon ay kilala na nationwide at maging sa ibang bansa nabibigyan kami ng pagkakataon  maimbitahan para mag exhibit  sa Malaysia sa Bangkok at yun ibang member na artist ay nag exhibit rin sa Italy,” pagtatapos ni Dacpano.

Samantala may ilang artist ang nagpakilala at ipinaliwanag ang kanilang hawak na artwork na ang iba ay handang ipagbili ang kanilang likha

Naunang ipinakita ni Brenda at ipinaliwanag nito ang kanyang art work na upcycle gawa sa iba’t ibang klaseng materyales mga parts ng computer.

Ang sumisimbolo sa likha nitong jeep ay dahil sa advocacy nitong pag phaseout ng jeepney at gusto niya na mapanatili sa kanyang isipan ang jeep at ang pag recycling naman nito ay para sa pangangalaga sa kalikasan.

Si Marge Gomez, Baguio Artist at member ng Creative Baguio Council, “I joined for try because it’s social experiment,  let see how Baguio people and the guest respond to art, for my artwork this is one of my signature’s style yun malaki ang mata kasi frustration ko ay yun mata ko maliit, since produkto ako ng 1980 yun Sesame Street, Batibot puro malalaki ang mata nila so, may effect sa akin yun, itong gawa ko ay pregnant woman when I was in Rizal at Miranda place tinuro niya sa amin nun na yun mga buntis figures ay swerte daw, meron siya mga sculptures at paintings na buntis so, I tried then put it in my house  in case na may women’s exhibit or anything about women meron na akong naka ready, gawa ito nung 2019 pa, oil paint ang ginamit ko dito at ang title nito ay “Nine-Month”

Jaella Beatrix Laguipo,  a grade school student, her artwork is a project in MAPHE subject one of her favorites because it reminds her of a road trip going to their province and she was amazed views of the mountains and sunset, her artwork is for collection only.

Tina GN “This is my self-portrait ganito ang ginawa ng style ko at ng color pallet and means a challenging time as symbolized by the waves and there is always hope because there is always A rising sun,”

Bets Laguipo, a Baguio Artist, “My artwork is inspired in Cordilleran culture bale ang pattern ko ay yun weaving ng iba’t ibang probinsiya sa Cordillera to represent all provinces, naisip ko kasi yun weaving natin sa Cordillera dahil medyo nawawala na konti na lang yun gumagawa hindi na naipapasa so, naisip ko pag nilagay ko sa painting para mabubuhay uli yun weaving sa artwork naman na tatagal for future generation, marami pa ako ginagawa dahil full time artist ako at eto ang bread and butter ko,”

Sheela Ming – Baguio artist,  “Kung mapapansin sa artwork ko ay mga card at lotto ticket ang ginawa kong materials at ang title nito ay “Itinayang Buhay” dahil karamihan sa atin ay nagde depend na sa pag tataya sa lotto at  na kung saan ay nagbabaka sakali tayo sa luck na baka manalo, yun ibang tao ay kinamatay na nila pero hindi pa rin sila nananalo so, naisipan kong nilagyan ko na rin ng skull kasi namatay na yun tao sa pagtataya yun ganitong concept parang hindi na natin nakikita yun value ng life kasi parang naka pokus na lang tayo sa pagtataya, yun mga papel na dinagdag ko dito kinolekta ko rin yun mga tinataya ko rin kasi dati hindi ako naniniwala sa pagtataya sa lotto pero nung na feel ko na mahirap na ang buhay kaya na hooked rin ako magtaya at nagbaka sakali pero sana hindi ako umabot  sa ikamamatay ko na pero hindi pa nanalo,”

Kim-Kim Pantano   “This is one of my earliest paintings from when I was 16, it shows a flower and a cup of coffee, I created this month three years ago in celebration of Panagbenga other than that my favorite flower is a sunflower, hindi naman lahat ng artwork it doesn’t necessarily  na may meaning, itong ginawa ko it doesn’t have to be a deeper meaning more life yun nagpinta ako kasi enjoyed and makes me happy at mas happy ako kapag naibenta ko ito sa mababang halaga na lang,”

Sharla Ngayodan – “Ito ay old post ng Panagbenga celebration, ginamitan ko ng acrylic paint on paper lang clearing parang abstracted flowers ibinebenta ko rin ito sa mura lang halaga may mga susunod pa akong artwork for February para may series of wows!,”

Pagkatapos sa Malcolm Square ay nakahanda na ang mga artist lumibot sa mga parke at mga lugar na kung saan may pasyalan ng tao bitbit ang kanilang mga artwork bilang Human Easel. ### Photo by: Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman