Hindi ka dapat maniwala sa mga Hula-hula
Sumapit na naman ang Bagong Taon ng 2021 , at tanging si ALLAH lamang ang nakaka-alam kung ano na naman ang ating haharapin na pamumuhay . At ito ang ating paksa sa kolum na ito .
Mahigpit na ipinagbabawal sa muslim ang maniwala sa mga hula-hula .
Magpa-pagalingan na naman ang mga manghu-hula at kanila itong huhula-an ang mahihinatnan ng isang tao maging mabuti man ito o masaklap man, katulad din ang pagdating ng mga ibat-ibang sakuna sa ating bansa …
Taliwas ito, ang paniniwala ng relihiyong ISLAM dahil kanya itong ipinagbabawal, base sa mga sinabi ng tega paglik-ha na si Allah sa qur’an at mga salita ni propita muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang kanilang pagbabawal o hatol sa mga manghuhula …
“Si Ibn Umar (kinalugdan nawa ni allah)
ay nagsabi: “Ang mga susi ng hindi nakikita ay ( lima ) at walang nakakaalam sa kanila maliban sa ALLAH:
– walang nakakaalam kung ano ang nasa sinapupunan ng ina kundi si ALLAH,
– walang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas ngunit si ALLAH
– walang nakakaalam kapag ito ay uulan ngunit si ALLAH,
– walang nakakalam kung saan siya madadatnan ng kamatayan ngunit si ALLAH
– walang nakakaalam ang Oras ng ( pagwakas ng mundo ) ngunit si ALLAH..
[Ṣaḥīḥ al-Bukhari 6944]
Sinabi ni Allah sa QUR’AN sa malapit na kahulugan:
Katiyakan, Bukod-tanging ang ALLAH lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan magugunaw ang daigdig, at siya lamang ang nakapagpapababa ng ulan mula sa ulap na walang sinuman ang makagagawa nito bukod sa kanya, at ang nakaaalam kung ano ang katotohanang nasa sinapupunan ng mga kababaihan, at walang sinumang may buhay ang nakaaalam kung ano ang mangyayari sa kanyang hinaharap, at walang sinumang may buhay ang nakaaalam kung saang kalupaan siya mamamatay, bagkus ang ALLAH, Siya lamang ang nagmamay-ari ng lahat ng kaalamang ito. Katiyakan, ang ALLAH ay (`Aleem ) – Ganap na Nakaaalam ng mga bagay na nakikita at di-nakikita na Walang-Hanggang Tagamasid sa lahat ng bagay sa lahat ng pagkakataon, na ( Khabeer ) – Ganap ang Kanyang Kagalingan na walang anumang bagay na naililihim sa Kanya.
[Surah Luqman 31 : 34]
Sinabi pa ni Allah s.w. sa malapit na kahulugan :
Walang nahulog na isang dahon, ngunit alam niya ito, ay nangangahulugang alam Niya ang mga paggalaw ng lahat ng bagay kabilang ang mga walang buhay na mga bagay. Samakatuwid, ano ang tungkol sa Kanyang kaalaman tungkol sa mga nabubuhay na nilalang, lalo na, yaong ipinataw sa mga batas ng Banal na tulad ng sangkatauhan at ang mga Jinns Sa ibang Ayah, Sinabi ni ALLAH;
Batid ng ALLAH ang anumang ninanakaw ng paningin at anumang kinikimkim ng tao sa kanyang sarili, mabuti man o masama.
[Surah Ghafir 40: 19]
Samakatuwid , sinoman ang magpanggap na lingid niyang kaalaman ang mga hindi pa nagsidatingan na mga panahon ay katiyakan na kanya itong papatawan na parusang walang hanggan sa kabilang buhay …
Tanging panalangin lang sa Allah ang nararapat sa bawat mananampalataya na ibahagi sa atin ang kanyang habag at awa …
Maraming salamat po sa lahat ng mga readers sa kolum na ito …
Dito lang po ito sa: FILPINO NEWS SENTINEL (Online News)