Hibla Lokal Filipina 2 sa Setyembre para sa Kapayapaan, Pamilya at Turismo
Lungsod ng Quezon, Pilipinas – Muling nanawagan ang National Book Development Board (NBDB) sa mga Book Nook sa buong kapuluan. Magkakaloob uli ng 60,000php sa 13 mapipiling Book Nook site para magsagawa ng Hibla Lokal 2 sa pamamagitan ng reimbursement.
Batay sa oryentasyong isinagawa noong Hulyo 12, 4:30nh hanggang 6:30ng ay mayroong tatlong hakbang para sa paghahanda ng mungkahi ng programa ng Hibla Lokal 2. Ang unang hakbang ay tiyakin kasama sa plano ang dalawang prong para sa pagbabasa: genuine love for reading at critical thinking. Nagkaroon ng mga Tuklas Dunong na sesyon para sa pagtalakay ng book for discussion, reading outline kasama ang pre-reading motivation tandem, during reading strategy at post-story transition to the activity. Samantala ang isa pang Tuklas Dunong na episode ang nakalaan sa Critical Thinking kung saan kasama ang pagpaplano ng materyal, gawain, talakayan at konklusyon. Ang kasunod na hakbang ay ang pagpili sa National Peace Consciousness Month, Family Week o National Tourism Week ang magiging tema ng Hibla Lokal 2. At ang huling hakbang ay ang paghahanda ng badyet na hindi lalampas sa 60,000php.
Mayroong mahigit sa 80 ang mga book nook site sa bansa noong 2021 at nadagdagan pa ng hindi bababa sa 50 bagong site nang nakaraang siklo. Isa ang Book Nook Marinduque na tumanggap ng mahigit sa 1,500 aklat mula sa NBDB na matatagpuan sa Marinduque State University (MarSU) Mogpog Extramural Study Center sa Brgy. Capayang, Mogpog, Marinduque. Naging kalahok ang Book Nook Marinduque sa HIbla Lokal 1 at 3 noong nakaraang 2022 at sumunod na taon. (PR)