GO MOBILE ONE 23, PARK VENDORS MAGKATUWANG SA PAG-ANGAT NG KABUHAYAN – Jomai

GO MOBILE ONE 23, PARK VENDORS MAGKATUWANG SA PAG-ANGAT NG KABUHAYAN – Jomai

Baguio City – “Adopting to the new normal and be resilient despite of the pandemic” – Jomai Arnaiz

Ang experimental  Go Mobile One 23 ay inaprobahan ni Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong at nakasama sa re-launching ng Rose Garden noong March 19, 2021

Nagmula ito sa napakagandang idea ni JOMAI ARNAIZ isang kilalang Wedding and Events Planner Coordinator ang intention ng Go Mobile One 23 ay ang maipa-rent ang food truck sa mga kasama sa industriya at isa na rito ang matulungan niya ang mga kaawa-awang 209 displaced park vendors sa Burnham Park.

Tatlong taon na kabiguan (2017-2019)

Naikwento ni Jomai kung paano niya tinaguyod itong kanilang mungkahi na Food truck Go Mobile One 23 sa mga taon na paglapit nila sa city hall ay naging malungkot,  “2017 pa lang ay lumapit na kami sa City Hall for the food truck ngunit di pa nila ma approved, 2018 lumapit kami uli pero wala pa rin, nawalan na ko ng pag-asa nung 2019, pero ng dumating ang pandemic ng mag umpisa ang lockdown dahil sa biglang dating ng COVID-19 noong March 17, 2020 ay naging grounded na ang ating ekonomiya at maraming nawalan ng trabaho, nagsara ang ibang mga negosyante nang magtuloy-tuloy na ang pandemiya. Kaya noong naglabas na si Councilor Michael Lawana ng Roving Store sa Barangay ay naisip ko na siguro pwede ng gawin prototype itong proposal namin, ang intention ko talaga was never for us to be the direct vendors, I really intended it for other people to use it para sa kanilang livelihood, especially yun mga kasama ko sa industriya na nagtitinda ng mga ulam kasi walang weddings, walang events kaya dito ko naisip na ipa-renta na lang sa mga kasamang nangangailangan para may pinagkakakitaan rin sila, so that’s how Go Mobile One 23 was conceptualized, and then  since all new, I came up with a simple “YOLK” Korean Egg sandwich na alam natin kung ano ang patok sa mga bata ngayon, madaling gawin, masarap na pwedeng hawakan habang naglalakad ,”

Katuparan at pag-asa namin mga park vendors

“Nang inilapit namin ito sa City Hall sabi sa CEPMO na puwede raw muna park vendors ang i-adopt namin, kaso yun mga park vendors ay di pa nila ma grasp yun idea ng food truck rental, pakiramdam nila ay di kakayanin ang renta, kaya kami ang nagbuo ng concept na “Yolk” Korean Egg sandwiches parang ito na muna ang case study at ipakita sa mga park vendors na kaya nila ito,”

“Pinahintulutan kami ng CEPMO na magkaron ng pwesto rito sa biking area kasama namin rito ang ilan park vendors na may association, rotation ang sistema ng pagtitinda upang lahat ay makapagtinda rin na may kanya-kanyang paninda, kami ang magmo-monitor, mag supervise, mag check ng kanilang paninda at pag monitor ng health protocol, may thermal scanner, contact tracing, alcohol at very strict rin kami sa social distancing, sinusunod rin namin ang mga bilin ng POSD at IATF at pati ang paglilinis sa paligid ng aming pwesto,”

Walang kompetensya sa mga paninda

Ang mga sine-serve namin na ibinebenta ay apat na klaseng Korean Egg sandwiches; Gibon, Dwaeji, Jagpum at Dan may add-ons rin na Korean Egg pancake, sa drinks naman ay Brewed Coffee at Honey Citron Tea.

Ang ginagamit namin bread sandwich ay ciabatta baked fresh daily at walang preservative kaya ito ang medyo mahirap sa part na ginagawa namin, we don’t bake it, pero we source it from personal baker.

Hindi namin kinu-kumpetensiya ang kapwa namin park vendors dito bagkus ginagawan namin ng paraan para kumita kami lahat.

Pero sa ngayon medyo malungkot nga lang dahil kaunti pa lang ang tao lalo na’t di pa puwede lumabas ang mga bata kaya mahina pa ang benta namin dito sa parks.

Ganunpaman, ay masaya kami kapag may napapasyal dito at marami rin ang nagtatanong namamangha tungkol dito sa amin food truck,”

Mensahe

“Ang masasabi ko lang sa aking mga kapwa displaced park vendors ay maging matatag, matiisin lang tayo sa araw-araw natin paghahanap-buhay, ang mahalaga ay ikinararangal natin ito dahil malinis at galing sa atin pagsisikap ang ipinapakain natin sa ating pamilya, gumawa lang tayo ng tama at sumunod sa mga ordinansa na pinaiiral ng city government, idalangin rin natin sa Diyos na maparam na itong pandemiya upang maka-recover at maka move-on na tayo sa ating kabuhayan,”  pagtatapos ni Jomai. Mario Oclaman /FNS

Mario Oclaman