GEODETIC ENGINEER’S OATH

GEODETIC ENGINEER’S OATH

Bontoc, Mountain Province – (February 10, 2023) – Sa unang araw ng pagdaraos ng 34th Annual Regional Convention ng Geodetic Engineers of the Philippines Inc., Cordillera Administrative Region – Division na ginanap sa Teng-ab Pastoral Complex Auditorium, Bontoc, Mt. Province noong February 10, 2023.

Nasa kabuuan bilang na 116 participants ang dumalo mula sa Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province at ng ilang Senior Citizen. Kasama rin ang ilang representative mula sa DENR, CENRO, PRC-CAR, at MGB.

Pinangunahan ni Engr. Alexander A. Dapiawen Sr. – GEPI-CAR Government & External Affairs Adviser ang Singing of National Anthem, Oath of Allegiance to the Philippine Flag bago simulan ang programa at deliberasyon  tungkol sa mga paksa na ipapahayag ng mga tagapagsalita.

Sa pambungad na pananalita at deklarasyon ng pagbubukas ng 34th GEP-CAR ARC na pinanguluhan ni GEPI-CAR President Engr. Ponciano G. Valdez Jr.

Isa sa pangunahing tagapagsalita ay si Provincial Governor Mt. Province Bonifacio C. Lacwasan Jr. na kung saan ay ipinaabot ng kanyang kinatawan ang mensahe para sa mga magigiting na Geodetic Engineer.

Nagbigay rin ng oras bumati si GEP Inc. National President Engr. Victorino O. Domingo.

Ang tema para sa taong ito ay “Geodetic Engineers Doing Its Mission, Moving for Its Vision and Going Through Its Road Map” # Photos by: Mario Oclaman // FNS

Mario Oclaman