First-day TUPAD of DOLE in the orientation to 1000 beneficiaries
BAGUIO CITY – Labor & Employment Officer III Clarissa Lyca R. Vizcarra led the orientation of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage /Displaced Workers (TUPAD) one of the programs of the Department of Labor and Employment (DOLE) to the 1000 beneficiaries of 128 barangays and in partnership with the office of Councilor Vladimir D. Cayabas held at Baguio Central School last May 5, 2023.
Vizcarra said, “Ang TUPAD ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na layunin tumulong sa ating mga displaced workers, sa mga self-employed workers, Women, Youth and Senior Citizen.
Ang TUPAD ay nagbibigay ng agarang employer sa ating mga kababayan, ibig sabihin kaya ito employment dahil ito ay inyong pagtatrabuhan ang TUPAD ay hindi ayuda na basta-basta niyo na lang inaantay sa payout, ito ay pagta trabuhan niyo ng sampung araw sa inyong barangay apat na oras sa isang araw,”
“May pinapirma sa inyo na daily time record at the same time kontrata ibig sabihin kino confirm at ina accept niyo na kayo ay magta trabaho ng sampung araw,”
“Ang barangay coordinator ang magbibigay sa inyo ng destino kung saan kayo magtatrabaho maliban sa paglilinis ay pwede kayo tumulong sa barangay mag repack ng goods, magpintura sa eskwelahan, tumulong sa pagsasaayos sa kalsada sa barangay kung may budget ang barangay, ang labor na ang sagot sa inyong sahod kada araw,”
“Ang role ng DOLE ay magbigay ng emergency employment at pasahurin kayo sa araw ng inyong pinagtrabahuan, ang sasahurin ng bawat isa ay P400 sa loob ng apat na oras, para mapatunayan na kayo ay nagtrabaho ay kailangan kunan nyo ng litrato ang inyong mga nagawa, kunan niyo ng litrato before the start of your work and during the implementation of your work and after, kailangan bago magtrabaho at habang nagtatrabaho at ang natapos na trinabaho ay kailangan mayron kayo photo documentation,”
“Matapos itong orientation natin at nakumpleto na ang inyong mga pinirmahan ay ibibigay na sa inyo ang PPE na pang proteksyon sa init ito ay long sleeve na may tatak ng DOLE TUPAD kasama na rin ang sombrero na may tatak TUPAD DOLE-CAR gumamit kayo ng gloves at mag face mask rin,”
“Yun mga senior citizen natin ay ihahanapan natin ng fit to work na ibig sabihin kayo ay pwedeng magtrabaho na ligtas at maayos at tumanggap ng sahod pagdating ng payout,”
“Ikaklaro lang natin na kayo ay magtatrabaho ng sampung araw sa apat na oras sa inyong barangay at sasahod ng P400 kada araw bale sa loob ng sampung araw ay kayo sasahod ng P4,000 sa payout,”
“Sa mga hindi makapirma ng kanilang DTR ay pwede na ang proxy ang pipirma sa inyong pangalan at para pagdating ng payout ay yun proxy na rin ang kukuha ng sahod niyo,”
DOLE-CAR officer Vizcarra said, “I hope that when the payout comes, there will be no problems with your contracts and DTR so that it does not interfere with the payment of those who worked,” Photos by: Mario Oclaman //FNS