Financial literacy

Si Sheena ay 34 taong gulang, may tatlong anak, siya at ang kaniyang asawa ay nakatira sa Summer Capital ng Pilipinas, ang Baguio City.

Kahirapan ang nagtulak kay Sheena upang siya ay mangibang-bansa. At tulad ng karamihang OFW, isa sa mga problemang kaniyang kinakaharap ay ang hindi niya masubaybayan ang paglaki ng kaniyang mga anak. “Pag-aasikaso ko sa kanila kase ina lang ang nakakaalam kung ano yung mga kailangan nila di ba, specially sa gamit nila. At yung ipinagluluto ko sila sa abot ng bulsa ko.” Pangalawa ay ang lungkot na dala ng kaniyang paglayo sa kaniyang pamilya upang sila ay mabigyan ng magandang kinabukasan. Nahirapan din siyang makisama sa mga batang kanyang inaalagaan dahil sa kakulangan ng mga ito ng disiplina ng kanilang mga magulang. At diskriminasyon mula sa mga magulang na kaniyang pinagsisilbihan. “Ang baba ng tingin sa mga DH, kala mo binili na nila kaluluwa mo pati katawan mo. Diring-diri sila sayo.” Nakakalungkot mang isipin ngunit kasama na ito sa mga pagsubok na kinakaharap ng ating mga kababayang OFW. Kasama sa mga masamang karanasan niya, mga bagay na nagpapahirap ng kaniyang kalagayan bilang OFW ay ang inaasahan ng kaniyang pamilya na bilang isang OFW, siya ay may malaking sinasahod. “Kala natin na yung mga naka-abroad ang laki ng kinikita nila pero kapag nasa sitwasyon kana nila, the same lang tulad sa Pinas. Hindi nila alam nagsa-sideline pa kami dito kahit kontrata na namin ang nakasalalay dito kase kulang talaga.”

Sa kadahilang ito kaya inaral ni Sheena ang financial literacy. Nag-attend siya sa mga seminars na ukol sa financial literacy. Dahil sa isa ito sa mga bagay na makakatulong sa kaniya para maibigay niya ang mga nararapat para sa kaniyang pamilya. Kung saan nagbigay siya ng ideya ukol dito. “Matutupad ang mga goals natin sa buhay kapag alam nating magkontrol ng budget.”

“Bayaran natin si God (10% or more)” ibigay natin yung tithes natin dapat 10% ng mga kinikita ay dapat ibinabalik kay God. “Pay yourself (20% or more)” At dahil ikaw ang naghirap, kailangan mo ding bigyan ang sarili mo ng pagpapahalaga. Buy something for yourself or mamasyal ka pero gamitin mo yung nakalaan lamang mula sa budget mo.” Then “yung rest expenses, eto na yung dapat ibigay sa pamilyang naiwan mo sa Pinas.”

Kasama rin sa mga advice niya ang pagkakaroon ng health care, “dahil hindi naman natin alam ang mga susunod na mangyayari.” Pagkakaroon ng life insurance, “at least mawala man tayo, may peace of mind tayo na makakaraos ang mga naiwan natin.” Bawasan ang utang or kung maari ay wag mangutang. Bawasan ang luho. Magkaroon ng ibang source of income. “Pumasok sa mga investment like mutual funds or stock market for long term savings.

admin